NAKAPAGTALA ng anim na patay at 1.290 kaso sa dengue ang lalawigan ng Bulacan mula Enero hanggang Mayo kasabay ng pagdiriwang ng
National Dengue Awareness Month.
Ito ang kinumpirma ni Dr. Hjordis Marushca Celis, Provincial Public Health Officer II ng Bulacan kung saan ang nasabing dengue records ay nasubaybayan ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) ng Bulacan mula January 1 to May 27 ng taong ito.
Nabatid na ito ay 41% lower kumpara last year na nakapagtala ng 2,195 cases at apat ang nasawi ayon sa PESU.
Ito ay naitala sa mga barangay ng Kaypian, Muzon at Sto. Cristo sa City of San Jose del Monte; Barangay Lawa at Pandayan sa Meycauayan City; Lambakin at Nagbalon sa Marilao town; Poblacion sa Pandi at San Mateo sa Norzagaray.
Samantala sinabi ni Governor Daniel Fernando na dapat ay alerti sa kamalayan ang mga Bulakenyo at maging maingay dahil mataas pa rin ang kaso ng Dengue sa lalawigan.
“Patuloy po tayo mag-ingat at huwag magpakampante dahil bukod sa dengue ay andyan pa rin ang Covid-19, sundin natin ang mga mahahalagang anunsyo mula sa mga lokal na pamahalaan at Department of Health (DOH) upang masugpo ito,” wika ni Fernando.
Pinaalalahanan ni Fernando ang pagpapatupad ng “4S Strategy” para maiwasan ang nasabing kaso gaya ng Search and Destroy of Breeding Sites, Self-protection measures, Seek early consultations, and Support Fogging/Spraying during impending outbreak .