Mga Dumagat sumailalim sa pagsasanay sa packaging, labelling

May 30 katutubong Dumagat sa Norzagaray, Bulacan ang sumailalim sa pagsasanay sa packaging at labelling. (DTI)

LUNGSOD NG MALOLOS — Nasa 30 katutubong Dumagat sa Norzagaray, Bulacan ang sumailalim sa pagsasanay kamakailan sa packaging at labelling.

 

Ito ay inorganisa nView Postg Department of Trade and Industry o DTI katuwang ang Department of Science and Technology o DOST, Metropolitan Waterworks and Sewerage System, at National Commission on Indigenous Peoples.

 

Ayon kay DTI Provincial Director Edna Dizon, sila ay mga residente ng Sitio Sapang Munti at Sitio Ipo sa barangay San Mateo.

 

Sa pagsasanay ay itinuro ng DOST ang kahalagahan ng pagpapakete ng produkto kasunod ang mga uri ng packaging na ginagamit sa mga food at non-foods product.

 

Ipinaliwanag rin na ang packaging at labelling para sa mga produktong ibinebenta sa merkado ay dapat tumatalima sa mga Administrative Order ng Department of Health at sa Consumer Act of the Philippines.

 

Sinabi ni Dizon na patuloy ang kanilang gagawing pagsuporta upang maiangat ang antas ng kabuhayan ng mga katutubo sa lalawigan.

 

Katunayan anya ay may walong livelihood package ang naipamahagi na sa mga taga San Mateo sa ilalim ng Livelihood Seeding Program.

 

Nagsagawa rin ng mga pagsasanay sa agricultural crops production, shielded metal art welding at handling ng hydraulic excavator ang Technical Education and Skills Development Authority.