FOTON Motor PH suportado ni Chinese Ambassador Huang Xilian

Ambassador Huang Xilian, Ambassador of the People’s Republic of China to the Philippines visits the assembly plant of Foton Motor Philippines in Clark, Pampanga on Friday. The Ambassador was accompanied by Foton International Country Manager Liwei Kang and Erroll Duenas, President, Foton Motor Philippines. Photo by ERICK SILVERIO
SUPORTADO ng Embahada ng Tsina sa bansa ang mga Chinese investors na nakatutulong sa maraming Filipino partikular na ang Foton Motor Philippines bilang susi sa mas malalim na relasyon ng Pilipinas at China.
 
Bahagi ng mas pinaigting na kooperasyon ng China sa Pilipinas ay ang suporta sa mga aktibidad sa pagitan ng dalawang bansa mula sa negosyo at mga programang makatutulong para sa mga Filipino.
 
Nitong Biyernes ay binisita ni Ambassador Huang Xilian ng Chinese Embassy to the Philippines ang world class assembly plant ng Foton Motor Philippines Inc. na matatagpuan sa Clark, Pampanga.
 
Naniniwala si Amb. Xilian na ang mga dumadagsang Chinese investors sa bansa na nagdudulot ng maraming trabaho para sa mga Pinoy ay indikasyon na gumaganda at lumalalim ang relasyon sa pagitan ng China at Pilipinas.
 
Sa kaniyang pagbisita sa nasabing planta ay nagkaroon ito ng pagkakataon na mapakinggan ang naging maayos at produktibong performance ng kumpanya sa kabila ng naging banta ng pandemiya sa nakalipas na dalawang taon.
 
Nabatid nasa kabuuang 5,000 Filipino sa buong bansa ang nabigyan ng trabaho ng nasabing kumpanya kabilang ang 700 Pinoy sa naturang planta na naglikha ng maraming pagkakataon para sa kanilang mga tauhan at mga pamilya nito.
 
“I’m happy to learn that they have employed in this factory and learned that they generate job opportunities for many Filipino people. This is one example of good momentum of economic cooperation of China-Philippines,” the Ambassador said.
 
Ayon naman kay Levy Santos, VP Sales and Marketing ng Foton Motor Philippines, paiigtingin din ng kumpanya ang production lines gaya ng karagdagang mga dealership presence nito sa bansa sa mga susunod pang mga taon kung saan sa pamamagitan nito umaasa si Amb. Huang na karagdagang trabaho pa para sa mga Filipino.
 
Kasunod nito, bunga ng magandang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa ay isang photo exhibit ang itinampok na tinawag na “China-Philippines Cooperation Achievements Photo Exhibit” na ginanap sa Angeles University Foundation main campus sa Angeles City, Pampanga.
 
Itinampok sa nasabing photo exhibit ang  “friendly cooperation” o mga naging kaganapan ng karaniwang pagpapaunlad at pagsulong sa pagitan ng bansang China at Pilipinas sa nakalipas na 6-taon.