LUNGSOD NG MALOLOS — Tatlong bayan sa lalawigan ng Bulacan ang wala nang aktibong kaso ng COVID-19 base sa ulat ng Provincial Health Office as of May 19, 2022.
Ito ay ang mga bayan ng Baliuag, San Miguel at Sta. Maria.
Sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office, nasa 66 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong probinsya.
Sa kabuuan umaabot na sa 109,454 ang kumpirmadong naging kaso ng Covid-19 sa lalawigan kung saan 107,700 ang nakarekober na habang 1,688 ang nasawi.
Samantala, may 2,434,429 indibidwal ang nakatanggap ng first dose ng bakuna kontra COVID, samantalang umabot naman sa 2,307,438 ang fully vaccinated na.
Nasa 552,841 naman ang nabigyan na ng booster shot.
Patuloy pa rin umaapela si Governor Daniel Fernando sa mga Bulakenyo na huwag magpakampante sa kabila ng mababang kaso ng COVID sa lalawigan na patuloy pa rin na ipatupad ang standard health protocol na tagubilin ng DOH.
“Hindi pa po tapos ang laban natin sa COVID, mainam pa rin na lagi tayo maging maingat para na rin sa kaligtasan ng ating pamilya,” ayon kay Gob. Fernando.