BAGAMAT isang linggo na lamang ay eleksyon na, walang plano ang Jesus Is Lord (JIL) Church na mag-endorso ng kandidato mula sa apat na presidentiables para sa 2022 elections.
Ito ang naging pahayag ni Citizens’ Battle Against Corruption (CIBAC) Party-List Representative at House Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva, siya ring President-Founder ng JIL, sa isang pagtitipon na dinaluhan ng libu-libong party leaders sa JIL College Foundation sa Bocaue, Bulacan nitong Sabado.
Ayon kay Rep. Villanueva, napagkasunduan ng Council of Leaders ng JIL na wala silang ie-endorso publicly sa alin man sa mga presidentiables dahil ang lahat ay kakilala at kaibigan.
“In one way or another nagkaroon kami ng encounter with them, all of them at ang iba ay nagpunta sa bahay namin. Kung ako ay mag-e-endorso ng isa sa kanila ay sasama ang loob ng tatlo at baka ma-damage pa ang re-election ng anak kong si Senator Joel Villanueva,” ayon kay Rep. Bro. Villanueva.
CIBAC tuloy ang laban kontra korapsyon
Sa nasabing pagtitipon ay ibinahagi rito ang sidhiin ng CIBAC sa kanilang kampanya na manalo para sa nalalapit na halalan at binibigyang-diin ang mahalagang papel ng isang anti-corruption watchdog sa Kongreso.
Ayon kay Deputy Speaker Bro. Eddie Vilanueva, bagamat unti-unti nang nakakabangon mula sa epekto ng Covid-19 pandemic ay lugmok pa rin ang bansa sa maraming complicated problems.
“The economy is already opening and our country is on its way to recovery. However, the gains we expect from our efforts will only be stunted, if not negated, by the worsening stage of corruption in the government,” ayon kay Villanueva.
Kailangan aniyang ipagpatuloy at palakasin pa ng CIBAC ang kanilang anti-corruption advocacy dahil ito ay mahalagang bahagi ng kanilang road map to restoration.
Nabatid na base sa estimasyon ng Office of the Ombudsman, umaabot sa P700 billion ng national government’s budget taon-taon ang nawawala dahil sa korapsyon.
“Corruption will derail our efforts to recover from the scars of the pandemic. It will continue to siphon government resources away from needed programs and projects that will lift up Filipinos away from grinding poverty. We will not allow the corrupt and scrupulous elements in the government to sabotage the recovery of the Filipino people badly hit by the pandemic,” wika ni Villanueva.