NAGPAHAYAG ng kaniyang pagsuporta ang aktres na si Camille Prats-Yambao para kay presidential candidate Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo.
Sa kaniyang Instagram post noong Miyerkules (April 13) nag-post si Prats-Yambao ng litrato na kung saan siya makikita at ang pro-Robredo mural.
“Today, I am taking a stand. For my children’s future and for every Filipino child and family who dream of having a better chance at life”, ayon sa kaniyang Instagram post.
“Bakit ngayon lang? Matagal ko po itong pinag-isipan at pinag-aralan”, dagdag pa ng aktres.