NAGTIPON ang lahat ng kandidato mula provincial level at lumahok sa isang Unity Walk and Signing of Peace Covenant for Secure, Accurate, Free and Fair Elections (S.A.F.F.E) 2022 nitong Huwebes.
Ang naturang aktibidad ay pinangasiwaan ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) sa panguna ni acting provincial director Col. Rommel Ochave sa pakikipagtulungan ng Commission on Election (COMELEC) sa pangunguna ni Bulacan Provincial Election Supervisor (PES) Lawyer Rene Cruz Jr. kasama ang mga participating stakeholders mula sa government agencies ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Education (DepEd), Department of Public Works and Highways (DPWH), Philippine Army (PA), at mga representante ng religious groups, academe, at non-government organizations.
Sabi ni PES Cruz, ang nasabing event ay bilang tugon sa tahimik at ligtas na national and local elections sa May 9, 2022 kung saan hinikayat niya ang mga kandidato na gawin ang kanilang parte sa pagpapa-iral ng tapat, parehas at matagumpay na halaln.
Ang naturang event ay sinimulan ng 200-meter unity walk na nagsimula sa Bulacan Police Provincial Office (PPO) sa Camp General Alejo Santos patungong provincial capitol’s KB Gymnasium.
Pinangunahan ni Governor Daniel Fernando at ng kaniyang katandem na si vice gubernatorial candidate Alex Castro ang National Unity Party (NUP) team habang sa Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ay pinangunahan naman nina incumbent Vice Gov. Willy Alvarado at former congressman Joselito Mendoza para sa dalawang mataas na posisyon sa kapitolyo.
Ang mga kandidato sa provincial level ay sinamahan ng kani-kanilang mga supporters sa loob ng gym pero limitado lamang sa 15 katao bawat kandidato.
Tinanggap naman ni Fernando ang hamon sa pagtugon para makamtan ang peaceful, safe, and honest election.
Ang aktibidad ay nagtapos sa ceremonial peace covenant signing ng kanilang integrity pledge.
Hindi naman nakadalo sina First District congressional candidate reelectionist Cong. Jonathan Sy-Alvarado, vice gubernatorial candidate Bogs Violago, Congressman Rida Robes of Lone District of city of San Jose Del Monte at asawa nito na si Mayor Arthur Robes, 4th District Congressman Linabelle Villarica at Meycauayan City Mayor Henry Villarica.