UPANG palakasin ang kampanya sa pagtatatag ng kapayapaan, birtwal na isinagawa ng HWPL ang Ika-6 na Taunang Paggunita ng Declaration of Peace and Cessation of War (DPCW) noong ika-14 ng Marso, 2022. Dinaluhan ito ng mahigit limang libong (5,000) katao, sa temang, “Institutionalizing Peace: Building a Legal Foundation for Sustainable Peace”.
Ang Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL), isang NGO na kaanib ng United Nations, ay kinakatigan ang pinagsamang pagsisikap ng mga pamahalaan at ng lipunang sibil na magbibigay-daan sa pagkakatatag ng kapayapaan sa bawat lipunan.
Ang DPCW na naiproklama noong 2016 ay nagsisilbing gabay para sa makamasang pagsusulong ng kapayapaan, kahanay ng mga internasyonal na organisasyon kabilang na ang United Nations, ang African Union (AU), at ang European Union (EU) na binigyang-diin ang pag-atas ng panuntunan bilang saligan para sa malawakang pagresolba ng digmaan katuwang ang mga kababaihan at kabataan.
Para naman sa pangangailangan ng ‘pagbuo ng legal na pundasyon para sa napapanatiling kapayapaan’, ayon kay Dr. Kamal Hossain, Pangulo ng International Law Association (ILA) mula sa sangay ng Bangladesh, “Ang paunang kondisyon sa pagtamo ng kapayapaan ay ang pagprotekta sa mga karapatang pantao, kabilang ang pagkakapantay-pantay sa harap ng batas, pantay na proteksyon ng batas, kawalan ng diskriminasyon, kalayaan para makipag-ugnayan, kalayaan magtipon-tipon, at kalayaan para magpahayag”.
Bilang karagdagan, sinabi ni Bb. Anna Cervenakova, miyembro ng HWPL International Law Peace Committee, “Sa gitna ng mga krisis sa mundo, kinukwestiyon ng mga pamahalaan ang kanilang sarili, anong klase ng aksyon ang pinaka-epektibo upang malampasan ang mga krisis sa panahon ng kagipitan… Karamihan sa mga suliranin ng trabahong ito ay, samakatwid, pasan ng mga pamahalaan, kung kaya’t mahalagang [alamin] kung ano ang mga prayoridad sa kanilang institusyonal na agenda.”
Ayon naman sa isa sa mga tagapagsalita, si Prof. Rommel Santos Diaz ng internasyonal na batas sa Unibersidad ng INCE, ang mga tanggapan ng gobyerno kabilang ang Senado, Ministri ng Ugnayang Panlabas at ang tanggapan ng Pangunahing Abogado ng Dominican Republic ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga NGO para sa layunin ng ‘pagdedesisyon ng estado para sa pampublikong polisiya tungkol sa seguridad ng mamamayan at karapatang-pantao’ base sa DPCW.
Bilang tugon sa mga lumalawak na banta bunga ng mga kaguluhang may kinalaman sa relihiyon, si Imam Moulana Shafiek Nolan mula sa Westridge sa South Africa ay nagpahayag, “Binibigyang-diin ng DPCW ang kahalagahan ng kapayapaan sa pagitan ng mga relihiyon at ang pagpapahinto ng kaguluhan sa relihiyon. Ang buwanang dayalogo tungkol sa mga kasulatan na pinapangunahan ng HWPL ay naglalayong gumawa ng isang plataporma upang matigil ang hindi pagkakaunawaan ukol sa mga kasulatan at paniniwala ng bawat relihiyon, na sumasalamin sa pamantayang nakasaad sa DPCW”.
Binahagi ni G. John Rommel Garces, Chief Branch Manager ng HWPL Philippines na ang Artikulo 10 ng DPCW na “Pagpapalaganap sa Kultura ng Kapayapaan” ay nagbigay-daan para sa Peace Education upang “maabot ang puso ng bawat mag-aaral”. Ang Peace Education ng HWPL ay kasalukuyang nang itinuturo sa Pilipinas, mula elementarya hanggang kolehiyo.
“Nakikinita namin na bawat paaralan, kolehiyo, at unibersidad sa buong mundo magmula sa Pilipinas ay pagyayamanin ang mga mag-aaral at itatanim sa kanilang mga puso’t isipan ang Peace Education. Di magtatagal, titindig ang mga lider ng susunod na henerasyon at pangungunahan ang mundo nang may kapayapaan at pagmamahal.”
Ayon kay Chairman Lee Man-hee ng HWPL, ang mga digmaan at kaguluhan ay patuloy na nangyayari dahil ‘maaaring maudyukan ang mga digmaan kung nakitang ito ay kinakailangan ayon sa kasalukuyang internasyonal na batas, kung kaya’t hindi ito matapos-tapos”. Binigyang-diin din niya na ang lahat ng miyembro ng pandaigdigang pamayanan ay dapat magkaisa bilang ‘mga mensahero ng kapayapaan’ upang ‘tiyak na makalikha ng isang bagay (ang internasyonal na batas pangkapayapaan) na magdudulot ng kapayapaan’.
Noong ika-28 ng Pebrero, naglabas ng pahayag ang HWPL ukol sa pagsakop ng Russia sa bansang Ukraine. Nakasaad dito ang pagprotekta sa mga biktimang lumikas at ang pandaigdigang pagkakaisa ng mga kabataan laban sa digmaan, at ipinahayag ito sa 192 na mga bansa. Kalakip ng DPCW ang mga panuntunang pangkapayapaan na dapat suportahan ng pandaigdigang lipunan tulad ng pagbabawal sa paggamit ng dahas, pagtataguyod ng kalayaan sa relihiyon, at partisipasyon ng sambayanan sa pagpapalaganap ng kultura ng kapayapaan. Binigyang-diin din na ang napapanatiling kapayapaan ay maaaring makamit sa tulong ng lahat ng miyembro ng pandaigdigang lipunan, hindi lamang mga bansa, gayundin ang mga internasyonal na organisasyon at lahat ng mga mamamayan bilang pangunahing aktor sa pagtataguyod ng kapayapaan.