DPWH naglaan ng P8.8B para sa 2022 infra projects sa Bulacan

NAGLAAN ng kabuuang P8,831,648,000 ang tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan 1st District Engineering Office para sa pagawaing imprastraktura  sakop ng nasabing distrito para sa taong 2022.
DPWH Bulacan 2022
DE HENRY ALCANTARA
 
Ito ang kinumpirma ni District Engineer Henry Alcantara ng DPWH-Bulacan 1st DEO na kung saan ay manggagaling ang pondo sa 2022 General Appropriation Act- for comprehensive release (FCR) at for late release (FLR) na proyekto.
 
Nabatid na ang mga proyektong imprastraktura ay ilalaan para sa 180 FCR at nasa 131 naman para sa FLR projects .
 
Ayon kay Alcantara, kabilang sa mga FLR projects ay ang konstruksyon at rehabilitasyon ng ng national, provincial, flyover, spur dike, bypass and diversion roads; river control structures, improvement of major river system and drainage system at mga canals.
 
Kasama rin dito ang constructions of multi-purpose buildings tulad ng mga covered court, Central Materials Recovery Facility, health center at evacuation center kung saan karamihan dito ay sa 6 na barangay sa bayan ng Bocaue.
 
Nakapaloob din sa FLR projects ang rehabilitasyon ng Bulacan State University (BulSU) building sa Malolos City at ang completion ng sports complex sa Barangay Binang 1st sa bayan pa rin ng Bocaue.
 
Nasa P100 million umano ang alokasyon sa rehabilitation of River Protection Structure sa Barangay Bulusan sa bayan ng Calumpit at P189 million para sa rehabilitation of major river system with flood control structure sa Barangay ng Meysulao at Bulusan, Calumpit.
 
Ayon kay Alcantara nakapaloob naman sa FCR projects ang konstruksyon ng Ciudad De Victoria Phase II sa Bocaue kabilang na rin dito ang flood control structure tributaries na didiretso sa Bocaue River na nayroong inilaang P250 million kabuuang pondo habang nasa P100 million naman ang para sa pagpapagawa ng DPWH First District Building No. 2 at Multi-Purpose Sports Complex sa bayan ng Bustos.
 
Nasa kabuuang P542 million naman ang inilaan para sa rehabilitation of flood control structure and construction of major river system, slope protection, spur dike sa kahabaan ng Angat River.
 
Sabi DE Alcantara, ilan lamang ito sa kabuuang 311 mga pagawain ng DPWH 1st DEO sa taong 2022 kasabay ng pagpapaalala at paghingi ng pang-unawa sa mga motorista na magkakaroon ng mabagal na daloy ng trapiko sakaling umpisahan na ang mga road infra projects.