Rape suspek na may patong na P500k reward sa ulo, nahuli sa Pampanga sa loob ng 24 oras

Personal na iniabot ni Police Regional Office 3 (PRO3) Regional Director PBGEN Jess Mendez (gitna) kasama si PCOL Angel Garcillano (kaliwa) ang P500,000 na pabuya sa isang impormante (kanan) na gumanap ng mahalagang papel sa pag-aresto kay William Meria Corre, isang wanted na sexual offender—na nangholdap at nangmolestiya sa isang babae sa Angeles City dalawang linggo na ang nakalilipas—sa isang press conference na ginanap sa Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga, noong Biyernes, Hulyo 10, 2026. Larawan ni ELOISA SILVERIO

Camp Olivas, Lungsod ng San Fernando, Pampanga – Walang 24-oras matapos magkaan ng P500K pabuya ang Kapulisan ay mabilis na nadakip ng mga otoridad ang isang wanted sa patong-patong na kaso  sa isang parking lot sa lalawigan ng Pampanga.

Bandang 4:10 PM nitong Huwebes,  Hulyo 9, 2026, matagumpay na naihain ng joint operatives ng Special Operations Unit 3, PNP Drug Enforcement Group (DEG), City of San Fernando Police Station, Criminal Investigation Detection Group (CIDG) Pampanga, Regional Special Operations Group 3 (RSOG 3), Regional Intelligence Unit 3 (RIU 3), at Provincial Intelligence Unit (PIU) Pampanga ang mga warrant of arrest laban kay William Meria Corre sa parking lot sa Brgy. San Jose, City of San Fernando, Pampanga.

Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng mga warrant na inisyu ni Hon. Jesusa Mylene Suba Isip, Presiding Judge ng RTC Branch 49, Guagua, Pampanga, para sa kasong rape at sexual abuse sa ilalim ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng Republic Act No. 8353, na pawang may petsang Hunyo 30, 2026.

Ang akusado ay iniugnay din sa serye ng mga insidente ng pagnanakaw at mga sexual offense sa Pampanga, na nag-udyok sa mga awtoridad na paigtingin ang mga pagsisikap upang matiyak ang kanyang agarang pag-aresto at
maiwasan ang karagdagang biktima.

Kinilala ng PRO-3 ang suspek na si William Meria Corre, na pinaghahanap dahil sa iba’t ibang kaso.

Positibong kinilala ng biktima si Corre na siyang dumukot sa kanya gamit ang baril habang pasakay sa kanyang sasakyan sa harap ng The Koa Hotel sa Angeles City noong Hunyo 27, 2026.

Ayon sa biktima, nagpakilala si Corre bilang isang pulis at sinabihan itong umupo sa passenger seat habang minamaneho ni Corre ang kanyang sasakyan papunta sa isang bakanteng lote kung saan sapilitang pinahubad ng suspek ang kanyang pang-itaas na damit.

matapos makuha ng suspek ang  cash na  P10,000 at telepono at iniwan na ng suspek ang biktima.

Sa istasyon ng pulisya, kinilala ng biktima ang suspek sa isang mug shot bilang si Corre, na, ayon sa pulisya, ay kakalalaya lamang mula sa detensyon.

Sinabi ni PRO3 Director PBEN Jess B Mendez na ang susi sa pagkakaaresto kay Corre ay nagmula sa agarang impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng suspek na ibinigay ng isang tipster matapos i-post ang litrato ng suspek sa social media bilang wanted at mayroong pabuyang P500K para sa ikadrakip nito.

Ayon kay Mendez, ang suspek ay sangkot sa 16 na kaso kabilang ang panggagahasa sa mga batang babae na may edad 17 at isang 11 taong gulang na nangyari noong nakaraang Marso ng taong ito sa Pampanga.

Sinimulan niya ang kanyang mga ilegal na gawain noong siya ay 14 taong gulang lamang kung saan ang kanyang unang kaso ay pagnanakaw at kalaunan ay umabot sa pagnanakaw, carnapping, at panggagahasa.

Binigyang-diin ni Mendez ang kahalagahan ng pakikilahok ng publiko sa mga pagsisikap sa pagpapatupad ng batas.

Nagpasalamat din si Mendez sa publiko para sa kanilang pagbabantay at kooperasyon, at sinabing ang pakikipagtulungan ng komunidad ay nananatiling mahalagang bahagi sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong Gitnang Luzon at sa pagsuporta sa patuloy na kampanya ng PNP laban sa kriminalidad.