Inihayag ngayon ng Zoom Communications, Inc. (NASDAQ: ZM) ang paglulunsad ng ZoomMate, isang agentic AI work surface na tumutulong sa mga taong makakilos mula sa mga usapan sa trabaho patungo sa execution nang hindi nawawala sa konteksto.
Binuo mula sa pundasyon ng “system of action vision” ng Zoom na inanunsyo noong Marso, ikinokonekta ng ZoomMate ang mga live na konteksto ng mga usapan at agentic search, workflow execution, kustom na ahente, at AI content creation.
Sa tulong ng ZoomMate, mas nagiging madali sa mga gumagamit na kumuha ng impormasyon mula sa iba’t ibang aplikasyon o programa.
Sa pamamagitan ng paghahanap ng impormasyon sa buong Zoom at mga konektadong business system, nakagagawa ang ZoomMate ng mga deliverable mula sa konteksto ng mga pulong at enterprise data, at kinokoordina ang follow-through sa iba’t ibang workflow nang hindi na kailangang lumipat at gumamit ng iba pang aplikasyon.
Ang pagbabagong ito ay sumasalamin sa pangmatagalang bisyon ng Zoom para sa isang system of action na nagko-convert ng mga usapan sa gawaing naisakatuparan.
“Simple lang ang nag-udyok sa akin na gamitin ang Zoom: walang ibang kumpanya ang nasa kinatatayuan nito — sa sentro ng bawat usapan kung saan nagaganap ang mga desisyon sa trabaho,” saad ni Russell Dicker, Chief Product Officer sa Zoom. “Binuo ang ZoomMate mula sa pananaw na ito. Bago, habang, at pagkatapos ng pagpupulong, ikinokonekta ng ZoomMate ang mga napagdesisyunan patungo sa mga susunod na hakbang sa bawat sistemang ginagalawan ng iyong trabaho.”
“Lumilipat na ang market mula sa mga nagsasalitang AI helper patungo sa mga kagamitang may kakayahang mas mahusay na pag-ugnayin ang mga desisyon, datos, at workflows na sumasaklaw sa isang organisasyon,” pahayag ni Melody Brue, Vice President at Principal Analyst sa Moor Insights & Strategy.
“Marami na ang produktong AI, pero karamihan dito ay limitado ang accesssa real-time na kontekstong nakakaapekto sa mga desisyon. Naiiba ang diskarte ng ZoomMate dahil nakapaloob na rito mismo ang mga usapan kung saan nabubuo ang mga desisyon. Nakapagbibigay ito ng live na business context at nakatutulong na makapagbigay ng rekomendasyong mas nakabatay sa trabahong ginagawa mismo ng team.”





