
Ang isang mabuting pinuno para sa ating bagong organisasyon ng mamamahayag ay dapat may mga katangiang nagsisilbi sa mga mamamahayag at sa taumbayan – sapagkat ang pamamahayag ay nakatayo sa katapatan at katotohanan.
Ang mabuting pinuno ay alam na ang bawat salita ay dapat may kabuluhan hindi dahil sa lakas ng boses kundi dahil sa katapatan ng layunin – hindi kailangang magsalita ng marami para ipakita ang halaga.
Ang tunay na pamumuno ay dumadaloy ng natural, parang tubig na umaangkop sa lahat, dumarating sa lahat ng tao nang may pagmamahal at pagiging tapat.
Alam ng ganitong pinuno na ang trabaho ng mamamahayag ay para sa bayan, hindi para sa sariling kapakinabangan o pagpapasikat.
Ngunit kung ang isang tao ay gustong maging pinuno ngunit hindi naman siya tunay na mamamahayag, o hindi niya alam kung paano tutulungan ang mga kasapi kapag may pangangailangan – hindi sapat ang magandang salita lamang.
Maaaring nakakapagpakalma ang magandang pananalita, ngunit hindi nito mayayanig ang mga bundok. Kailangan ng aksyon na may kredibilidad, kailangan ng isang pinuno na alam ang trabaho ng mga mamamahayag mula sa sariling karanasan.
Hindi sapat na mangarap lamang na mamuno – kailangan din ng kakayahan na tumulong kapag kailangan ng mga kasapi, tulad ng suporta sa trabaho o pagtulong kapag may problema.
Ang puso ng pamumuno ay nasa pag-unawa sa mga hinaing ng mga kasapi – protektahan sila mula sa panganib, suportahan kapag mahirap ang trabaho, at kilalanin ang kanilang gawa.
Dapat silang nagsasabi ng totoo kahit na mahirap, labanan ang katiwalian, at yakapin ang lahat ng uri ng mamamahayag – mula sa mga batang nagsisimula pa lamang hanggang sa mga beteranong reporter, mula sa lahat ng probinsya sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Tsk! Tsk! Tsk! Ang tunay na pinuno ay hindi gumagamit ng posisyon para sa sariling interes – kundi para sa ikabubuti ng lahat. Dapat nilang intindihin na ang pamamahayag ay para sa mga Pilipino, at ang kanilang mga desisyon ay dapat na nakatuon sa katotohanan at kabutihan ng bayan.





