13K Bulakenyo tumanggap ng breakfast birthday blowout ni Gob. Fernando

Nasa kabuang 13,000 Bulakenyo ang sorpresang nakatanggap ng libreng almusal mula sa 65 fast-food ng Jollibee at Mc Donalds sa buong lalawigan ng Bulacan.

Ang nasabing free breakfast ay sa 33 fast food ng Jollibee at 32 fast food ng Mc Donalds na sorpresang birthday treat ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando na taon-taon niyang ginagawa tuwing sasapit ang kaniyang kaarawan tuwing May 2. Kabilang sa meal blowout ay chicken, spaghetti and drinks.

Nabatid na bawat fast food branch ay magbibigay ng libreng meal at drinks sa unang 200 customer na may kabuuang bilang na 13,000 beneficiaries.

Bawat bayan at lungsod sa nasabing probinsiya ay mayroong 2 hanggang 3 fast food kaya naman umagang-umaga pa lamang ay marami na ang nag-aabang dahil sa taon-taon itong isinasagawa ni Fernando.

Maaga pa lang ay mayroon nang staff ni Fernando na nakatalaga sa labas ng mga fast food na nagbibigay ng claim stub upang maging maayos ang proseso ng pamamahagi at hindi magkagulo.

Nagpaabot ng pagbati at pasasalamat si Edward Cruz, isang Grab Delivery crew sa natanggap na blowout mula sa gobernador.