Pinuri ni Police Regional Office 3 (PRO3) Regional Director Jess Mendez ang buong hanay ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) sa pangunguna ni Provincial Director PCOL Angel Garcillano at ang iba pang police units na tumulong para maresolba at ituring na case closed ang kasong pagpaslang kay Police Master Sergeant Jose Uring.
Ito ay makaraang maaresto sa loob lamang ng 48 oras ang gunman at isa pang kasamahan nito sa isinagawang manhunt and pursuit operations sa magkakahiwalay na lugar na pinagtataguan ng mga salarin.

Kinilala ni Col. Garcillano ang mga naarestong suspek na sina Marvin Salim, gunman, former police officer na nakatalaga sa Obando Police Station, residente ng Barangay Pag-asa, Obando, Bulacan at Adonis Santos, cohort/ driver, residente ng Maysantol, Bulakan, Bulacan.
“The swift arrest of the suspects in less than 48 hours reflects the strong coordination and determination of our operating units to ensure that those responsible for this crime are immediately brought to justice,” wika ni Mendez.
Magugunita na binaril at napatay si PMSgt Uring noong gabi ng Marso 8, 2026 sa covered court ng Brooklyn Heights Subdivision sa Barangay Panginay, Guiguinto, Bulacan matapos ang ginanap na caucusng Home Owners Association.
Lubos din ang pasasalamat ng pamilya ng biktima sa mga kapulisan kaugnay na agarang pagkaresolba ng naturang krimen.





