Buong pusong sinusuportahan ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP Laban) ang makasaysayang desisyon ni Vice President Sara Duterte na tumakbo sa pagkapangulo sa 2028.

Ang kanyang pahayag ay sumasalamin sa taos-pusong hangarin na ipagpatuloy ang tapat at matapang na paglilingkod para sa bawat pamilyang Pilipino. Sa bawat hamon na kanyang hinarap, ipinakita ni VP Sara ang malasakit, tibay ng loob, at paninindigan para sa kapakanan ng bayan.
Naniniwala ang PDP Laban na ang ganitong uri ng pamumuno—may puso, may tapang, at may tunay na malasakit—ang kailangan ng ating bansa sa mga darating na taon.
Kaisa niya ang buong PDP Laban sa panawagang magkaisa ang sambayanang Pilipino tungo sa isang mas ligtas, mas maunlad, at mas makatarungang kinabukasan para sa lahat.
Sama-sama. Tuloy ang laban para sa Inang Bayan!





