SUPORTANG LOKAL NGAYONG PASKO

Bilang suporta sa mga lokal na produkto ngayong kapaskuhan, bumili si Congressman Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr. ng mga mini Christmas Trees na gawa mismo ng mga kabataang kasalukuyang nasa Bahay Pag-Asa sa Angeles City, Pampanga.

Noong panahon ni Cong Pogi bilang Alkalde ng Lungsod Angeles, pinangunahan niya ang rehabilitasyon ng Bahay Pag-Asa. Nakatanggap din ng akreditasyon ang Bahay Pag-Asa sa ilalim ng kanyang termino.

Kasama ni Cong Pogi sa pagtingin ng mga Christmas Tree si Chief Political Affairs Officer Reina Manuel.