Upgrading ng Candava Viaduct sisimulan na

Ang 5-kilometer NLEX Candava Viaduct o ang Pulilan-Apalit Bridge na sakop ng Bulacan at Pampanga ay nakatakda isailalim sa upgrading ang bahagi ng northbound portion nito sa darating na buwan ng Pebrero.
MAKARAANG makumpleto ang pag-upgrade ng southbound portion ng Candaba Viaduct kilala rin bilang Pulilan-Apalit bridge nitong nakaraang taon ay sisimulan naman ng NLEX Corporation ang upgrading ng bahagi ng northbound portion ng nasabing tulay sa susunod na buwan ng Pebrero 2022.  
 
Ang nasabing inisyatibo ay bahagi ng tollway company’s program na patatagin ang kanilang mga imprastraktura para sa ligtas na biyahe ng mga motorista. 
 
Nabatid na sa loob ng anim na buwan ay 13 priority link slabs na kokonekta sa bridge deck spans ang papalitan para maghatid ng comfortable driving experience sa mga motorista na dadaan sa vital five-kilometer road network na sakop ng Pampanga at Bulacan.
 
“We always ensure to maintain our assets for the benefit of thousands of motorists plying our expressway. Whether it is above the bridge or under the bridge, we keep on doing the upgrades for the Candaba Viaduct as we want motorists to continue having safe and comfortable travel,” ayon kay J. Luigi L. Bautista, president and general manager of NLEX Corporation.
 
Ang pagpapatatag ng Candaba Viaduct ay isinagawa mula pa 2019 na kabilang sa four-year rehabilitation plan na layuning  patatagin ang kahusayan nito at kaligtasan.
 
“Just like the previous southbound link slab upgrade, works on the northbound will require motorists to pass with care as a temporary steel Bailey bridge will be installed so cars, vans, small trucks, and buses will be able to cross over the repair site. Also, a counterflow lane at the southbound carriageway will be open for the said vehicles and cargo trucks,” Bautista said.
 
Maaasahan din ang maayos na traffic management sa oras na simulan ito gaya ng  deployment ng patrol officers at mga marshals at paglalagay ng  directional traffic signs para i-guide ang mga motorista. makikita rin sa mga company’s various social media channels ang mga traffic updates.
 
Ang Candaba Viaduct ang siyang reliable link ng Metro Manila at North and Central Luzon. 
 
 
  •