Truck sumalpok sa Arko ng Malolos-Guiguinto, 2 sugatan

Ang sumalpok na truck sa arko ng Malolos-Guiguinto boundary na ikinasugat ng driver at helper nito Huwebes ng madaling-araw sa Mac-Arthur Highway, Barangay Tikay, Malolos City. Larawan ni: ERICK SILVERIO
Dalawa katao ang sugatan nang sumalpok sa tinaguriang Centennial Arch ng Malolos-Guiguinto boundary welcome arch ang isang truck nang makatulog ang driver nito Huwebes ng umaga sa Mac Arthur Highway, Barangay Tikay, Malolos City.
 
Sa inisyal na report ng pulisya, naganap ang insidente bandang alas-4:56 ng madaling-araw habang binabagtas ng Foton Truck na may plakang CAK 1696 ang southbound lane ng Mac-Arthur Highway sakop ng nasabing lugar nang biglang sumalpok sa concreted pillar ng Welcome Arch sa boundary ng Malolos at Guiguinto.
 
Kinilala ang mga biktima na sina Ronald Atayde, 32, may-asawa, driver at Roy Atayde, 31, binata, pahinante, kapwa residente ng Purok 4, San Leonardo, Nueva Ecija.
 
Nabatid na habang binabagtas ng nasabing truck na my lulang buhangin ang kalsada ay nakatulog umano ang driver at nawalan ng kontrol kaya sumalpok sa arko.
 
Nabatidna ang pahinanteang lubhang nasugatan kung saan nadurog ang kanang binti kaya naman mula sa Bulacan Medical Center ay kinailangang ilipat ito sa Paolino J Garcia Hospital in Cabanatuan City, Nueva Ecija. 
 
Nagdulot naman ng mabigat na daloy ng trapiko sa magkabilang linya dahil sa naturang aksidente na kung saan ay hindi pa nai-aalis ang truck habang sinusulat ang balitang ito.