KINASASABIKAN na ng mga residente sa bayan ng Balagtas, Bulacan ang nalalapit na May 2022 elections upang ganap na makamtan ang tunay na pagbabago na pinaniniwalaang ito ay magaganap lamang sa grupo ng Liga ng Pagbabago.
Ang Liga ng Pagbabago ay tambalang Lito Polintan at Mel Ventura, kandidato bilang mayor at vice-mayor kasama ang buong slate ng National Unity Party (NUP) bilang mga konsehal sina Monay Payuran, Boogie Castro, Tate Santiago, Ian De Guzman, Jepok Ventura, Analyn Jose, Bobby Estrella at Gerald Vergara.
Si Lito Polintan ay isang prominenteng negosyante, kilala rin bilang isang Good Samaritan dahil sa nakaugalian nitong pagtulong sa kapwa at lumaki at namuhay na may takot sa Diyos.
Siya ay hinimok ng libu-libong Balagtaseño na tumakbo bilang mayor dahil nakikita at naniniwala sila sa kakayahan ni Polintan na pamunuan ang bayan ng Balagtas bilang GOD-fearing public servant kasama si ABC President Mel Ventura at ang mga konsehales nito para maghatid ng tunay na pagbabago sa paglilingkod.
Ang Liga ng Pagbabago LPMV ay inendorso ng ibat-ibang sektor sa nasabing bayan para sa mas higit na pag-unlad at pag-angat ng antas ng bayan ng Balagtas na matagal nang napag-iiwanan ng mga karatig bayan nito.
Prayoridad na programa na ihahatag ng Polintan-Ventura tandem ay pagpapatupad ng good governace upang umangat ang antas ng lokal na pamahalaan; ang palakasin ang ekonomiya sa nasabing bayan sa pamamagitan ng paghikayat ng maraming mga investors o negosyante; edukasyon sa pamamagitan ng scholarship program sa mga mag-aaral na kapos sa pagpapaaral.
Kasama rin dito ang pagpapanatili ng malinis, maayos at tahimik na kapaligiran; pag-agapay sa mga senior citizen, kababaihan, kabataan, mother leaders, solo parent, TODA sa pamamagitan ng training programs o livelihood projects at pagtatayo ng sariling community hospital.
Kaya naman umani ng todo-todong suporta ang Liga ng Pagbabago Team mula sa bawat Balagtaseño na umaasa na muling makabangon at mabigyan ng pagkakataong makamit ang pag-asenso mula sa hatid na pag-asa ng Polintan-Ventura tandem.