Pinawalang-sala ng Malolos Regional Trial Court si retired major general Jovito Palparan at ang limang military auxiliary forces nitong Biyernes, Oktubre 6, kaugnay ng 2006 kidnapping and serious illegal detention with physical injuries sa magkapatid na Raymond at Reynaldo Manalo.
Ayon sa abogado ng mga Manalo na si Atty. Julian Oliva Jr., sinabi ni Judge Francisco Felizmenio ng Malolos RTC Branch 19 na bigo ang Manalo brothers na kilalanin ang mga taong dumukot sa kanila mula sa kanilang farm sa San Idelfonso, Bulacan noong February 2006.
Dismayado naman lumabas si Raymond mula sa nabanggit na hukuman matapos basahin ang desisyon.
Bukod kay Palparan, kasamang na-absuwelto sina Technical Master Sergeant Rizal Hilario, Citizen Armed Force Geographical Unit auxiliaries Michael dela Cruz, Jose dela Cruz, Maximo dela Cruz, Roman dela Cruz, Randy Mendoza, at Rudy Mendoza.
Sinabi ni Oliva na sinabi ng hukom na ang pagpupulong sa gabi nina Raymond at Palparan sa isang kampo ng militar sa Bulacan ay hindi rin nagpakita ng malinaw na pagkakakilanlan.
Napansin ng hukom ang madilim na paligid ng pulong. Sinabi rin niya na nang tanungin ni Palparan si Raymond kung nakilala niya ito, sinabi ng huli, hindi.
“Of course, if you were being asked in his place, you would reply, no, but the truth was that Rayond said he recognized Palparan,” wika ni Oliva.
“Tuloy ang laban, hindi ako titigil hanggat di ko nakakamit ang hustisya.” ani Raymond.
Taong 2016 nang isampa ng Manalo brothers ang kaso, isang dekada ang nakalipas nang sila ay dukutin, tutukan ng baril sa kanilang farm sa Bulacan noong February 14, 2006.
Sila umano ay pinagkamalang mga miyembro ng New People’s Army.
July 24, 2015, nang katigan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na mayroong probable cause para paratangan si Palparan at ang siyam pa para sa pag-kidnap at pag-torture sa Manalo brothers.