Halos hindi mahulugan ng karayom ang kahabaan ng Manila North Road o Mac Arthur Highway nang dumagsa ang libu-libong motorista buhat sa isinagawang province-wide caravan ng mga rider-supporters ni presidentiable Bong Bong Marcos sa lalawigan ng Bulacan Linggo ng umaga, Nobyembre 28.
Nagtipon-tipon sa Malolos Sports Convention Center sa malolos City ang mahigit 47,000 mga supporters ni Marcos sa isinagawang malawakang Bulacan-wide caravan na lulan ng mga motorsiklo.
Ang nasabing aktibidad ay may temang “Bulacan Marcos Pa Rin Movement Pilipinas” ay pagpapakita ng pagsuporta sa kandidatura ni Marcos na tatakbong presidente sa darating na national and local elections sa Mayo 2022 elections.
Simultaneous province-wide ang naging sistema kung saan umabot sa mahigit 47,000 katao mula sa 18,000 motorsiklo ang lumahok sa napaka-habang motorcade na nanggaling sa ibat-ibang lungsod at bayan sa lalawigan ng Bulacan.
Kabilang sa mga starting point ng BBM Caravan sa Bulacan ay sa Lungsod ng San Jose Del Monte, Meycauayan City at sa mga bayan ng Obando, Hagonoy, San Miguel, Dona Remedios Trinidad at nagtagpo-tagpo sa Malolos Sporst Convention Center sa Lungsod ng Malolos.
Nabatid na nagsimula ang province-wide caravan bandang als-6:00 ng umaga at natapos ng dakong alas-11;00 AM.