Bong Go nag-inspeksyon sa Super Health Center sa Bulakan

Kasama ni Senator Bong Go sina Mayor Vergel Meneses at Vice Mayor Aika Sanchez matapos bumisita ang senador sa bayan ng Bulakan, Bulacan upang silipin ang Super Health Center at mamahagi ng AICS payout sa 1,000 benepisyaryo kamakalawa, Lunes. (Photo CTTO)
Nagsagawa ng inspeksyon si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa pasilidad ng Super Health Center (SHC) sa Barangay Balubad, Bulakan, Bulacan nitong Lunes.
 
Kasamang ni Go ang aktor na si Phillip Salvador na mainit na sinalubong nina Mayor Vergel Meneses, Vice Mayor Aika Sanchez at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
 
Nagkakahalaga ng mahigit P10-milyon ang Super Health Center sa Bulakan mula sa 2022 National Budget kasabay ng mga bayan ng 
Guiguinto, Balagtas, Meycauayan City, City of San Jose Del Monte, San Miguel at Pandi.
 
Walo pang Super Health Center ang itatayo rin sa mga bayan at lungsod ng San Rafael, San Ildefonso, Baliwag City, Plaridel, Marilao, Obando, Paombong at Angat na nakapaloob naman sa 2023 National Budget.
 
Ayon sa senador, ang 15 SHC sa Bulacan ay nagkakahalaga ng P172-million na galing sa General Appropriations Act (GAA) of 2022 at 2023.
 
Tumungo naman ang grupo ni Go sa evacuation center ng munisipalidad kung saan pinangunahan nito ang pamamahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) para sa 1,000 beneficiaries.