Ibat-ibang uri ng party drugs na nagkakahalaga ng P8.5 milyon ang nakumpiska mula sa isang lady consignee sa isinagawang controlled delivery operation ng joint operatives ng PDEA Central Luzon, PDEA-NCR, BOC-Port of Clark at PNP units Martes ng hapon, December 7, 2021.
Kinilala ng PDEA ang arestadong consignee na si Ana Fe Morilla, alias “Jonah Ileve”, residente ng Guava St. CAA PH2 Las Piñas City.
Ayon sa mga awtoridad ang nasabing package na naglalaman ng ecstasy tablets ay dumating sa Port of Clark nitong Disyembre 3, 2021.
“The subject package arrived from Belgium and was declared as “Lamp.” As it underwent initial test using Rigaku narcotics device, the package indicated the presence of MDMA, which prompted us to conduct controlled delivery operation”, ayon sa PDEA Clark AIU.
Nakumpiska kay Morilla ang 4,970 pieces ng ecstasy tablets na nagkakahalaga ng Php 8,500,000.00; isang unit ng cellular phone; at 2 piraso ng ID.
Ang suspek ay sasampahan ng kasong Violation of Section 4 (importation of dangerous drugs), of Article II of Republic Act 9165.