5,239 Katao, lumikas dahil sa Super TY Karding sa Bulacan

IMMEDIATE AID TO OBANDOEÑOS. Pinanguhanan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang pamamahagi ng relief goods at mga pangunahing pangangailangan gaya ng mga kumot at banig sa may kabuuang 176 pamilyang inilikas at lubos na naapektuhan ng super typhoon Karding na isinagawa sa evacuation center sa Obando Municipal Hall, Obando, Bulacan Lunes ng umaga, Setyembre 26, 2022. Kasama rin sa larawan sina Provincial Social Welfare and Development Officer Rowena J. Tiongson at Obando Mayor Leonardo DC. Valeda. (ELOISA SILVERIO)