2 suspek, tanod patay sa engkuwentro sa Bulacan  

Camp General Alejo S Santos, City of Malolos — Napatay ang dalawang suspek matapos makipagbarilan sa mga pulis ilang minuto makaraang pagbabarilin ng mga ito ang isang barangay tanod sa Meycauayan, Bulacan nitong Sabado ng gabi.
 
Sa report ni PCol. Relly Arnedo, Provincial Director, Bulacan Police, napag-alaman na bandang alas-12:00 ng gabi nang paputukan ng 2 armadong lalaki ang barangay hall ng Bahay Pare  sa nasabing lungsod.
 
Agad na nai-report sa Meycauayan City Police Station ang pamamaril na agad nirespondehan ng mga kapulisan.
 
Sa panimulang pagsisiyasat ay agad na pinaputukan ng mga suspek ang ga rumespondeng pulis na humantong sa ilang minutong palitan ng putok naikinasawi ng mga suspek.
 
Nabatid na dalawa katao kabilang ang isang tanod at isang istambay ang sugatan at patuloy pang inaalam kung ang mga ito ay tinamaan una pa lang sa nasabing shooting incident o tinamaan ng stray bullet.
 
Base pa sa imbestigasyon, isinugod ang dalawang biktima sa pagamutan ngunit namatay din ang biktimang barangay tanod.