Nakalabas na mula sa Joni Villanueva General Hospital ang dalawa sa tatlong sugatang mga suspek sa naganap na engkwentro sa pagitan ng mga Kapulisan at suspek sa loob ng North Luzon Expressway (NLEX) sa Barangay Turo, Bocaue, Bulacan noong Biyernes ng hapon.

Ayon kay Bulacan Police Provincial Office (PPO) director PCOL Jay Baybayan, ang dalawang suspek ay nasa kustodiya ngayon ng Bocaue Municipal Police Station habang ang isa pa ay nananatili sa ospital.
Sinabi ni Baybayan na mahaharap sa patong-pating na kaso ang 3 suspek kabilang dito ang Frustrated Murder, Direct Assaut, Violation of RA 10591 (illegal possession of Firearms, Violation of RA 9165 (Comprehensive Drugs Act of 2002) at Violation of RA 9516 (illegal possession of explosives).
Sa nasabing engkwentro ay narekober sa posesyon ng mga suspek na kinilalang sina Jonathan Perez, Jerome Nabuson at Reymark Padilla ang 2 firearms, 3 granada, isang flash bang at mayroon ding hinihinalang droga (shabu at marijuana).
Magugunita na ang mga suspek ay nasabat ng mga pinagsanib na operatiba mula sa Police Regional Office 3 (PRO3), Bulacan PPO at Bocaue Police habang sakay ng kulay grey na Toyota Hi-Ace van na mayroong plate number NBO 4342 sa Toll Gate ng NLEX sa Bocaue papuntang Southbound.
Nabatid na sa halip na huminto ay pinaputukan ng mga suspek ang mga Kapulisan dahilan upang gumanti ng putok naikinasugat ng mgasuspek at mabilis na naaresto.
Ayon pa kay Baybayan, ang mga suspek ay responsable sa mga serye ng panghoholdap sa Region 1, Region 3, Region 4A at maging sa National Capital Region.





