2 Barangay Captain itinumba

BACOLOD CITY- Dalawang Kapitan  ng Barangay sa Negros Occidental ang pinagbabaril ng di pa nakikilalang mga salarin nitong Miyerkules ng gabi at Biyernes ng umaga.

Blanko pa rin ang kapulisan hinggil sa nasabing pamamaril at sa pagkakakilanlan ng mga suspek kaugnay ng pagpaslang kay barangay chairman Danilo Dautil.

Si Dautil, 62, ay binaril sa ulo habang papauwi sa kaniyang bahay sakay ng kaniyang motorsiklo Miyerkules ng gabi sa Cabcab, kung saan 18 kilometro mula sa Isabela town.

Ayon kay Capt. Joseph Partidas, Isabela police chief, si Dautil ay binawian ng buhay habang papunta sa Ignacio Lopez Arroyo Sr. Memorial District Hospital.

“The perpetrators might have staged the ambush there since it would be difficult for their target to escape, ” ayon sa pulisya.

Sa bayan ng Calatrava, pinagbabaril din ng di rin nakilalang uspek si Benjamin Repuesto Javoc, 54, Barangay Captain ng Barangay Lalong, Calatrava town.

Ayon kay Maj. Lidawan Lumyaen, Calatrava police chief, si Javoc ay binaril at pagkaraan ay tinangay ng suspek ang dala nitong P20,000.

Investigators are looking at insurgency as the motive behind the killing.