1,979 tricycle driver tumanggap ng P1k birthday fuel subsidy

UMABOT sa 1,979 mga tricycle driver-operators sa Guiguinto, Bulacan ang tumanggap ng birthday fuel subsidy handog ni Mayor Agatha Cruz  sa mga masisipag na tsuper ng bayan na bahagi ng isang linggong selebrasyon ng kaatawan ng alkalde na ginanap noong Setyembre 29, 2022 sa Guiguinto Minicipal Athletic and Cultural Center. CONTRIBUTED PHOTO
NASA kabuuang 1,979 na tricycle driver operators sa bayan ng Guiguinto, Bulacan ang nakatanggap ng fuel subsidy na nagkakahalaga ng P1,000 mula sa pamahalaang lokal kamakailan.
 
Ayon kay Municipal Administrator Elmer Alcanar, ang nasabing fuel subsidy ay handog ni Mayor Agay Cruz bilang  birthday treat ng alkalde na may temang “Birhday Alalay ni Mayor Agay” sa mga masisipag na tricycle drivers sa nasabing bayan.
 
Ang distribution ng fuel subsidy ay tinanggap ng mga unang nakapagparehistro na ginanap sa Guiguinto Minicipal Athletic and Cultural Center noong nakaraang Setyembre 29, 2022 sa araw mismo ng pagdiriwang ng kaarawan ni Mayor Cruz.
 
“Hinahangaan natin ang kanilang hirap at kasipagan na ang hangarin ay mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya,” wika ni Mayor Cruz.
 
Aniya, target ng pamahalaang lokal na mabigyan ang nasa 3,000 mga tricycle driver-operators kung saan ang iba ay sa susunod na linggo makatatanggap.