MGA ONLINE SELLING NA WALANG RESIBO, DAPAT TINGNAN NG PAMAHALAAN




Katropa Nakasentro
Babala sa mga mahihilig mamili sa ‘Online selling.’ Dahil sa pandemya, uso na kasi ang ‘ecommerce,’ ito ang pagbili at pagbebenta ng mga produkto at serbisyo sa Internet, gamit ang mga computer, smartphone, at iba pang kauri nito. Batid po ba ninyo na mismo ang Katropa ay nabiktima nito. Produktong nagustuhan ko ay iba ang naipadadala, iyun iba kulang! Wala pang mga resibo kapag nagbayad ka. Kaya ang pobreng ‘carrier’ ng produkto, ay kinukunan natin ng pagkakakilanlan at pipirma sa salaping ibinayad para sa produkto.Dapat bawat transaksiyon may resibo. Tinatawagan natin ang Bureau of Internal Revenue, ang mga ‘ecommerce’ ba ay abswelto sa pagbabayad ng buwis o dapat na pagbayarin ng buwis? Isa pa, ng tinanong natin kung saan ang kanilang tanggapan, hindi nila masagot. Kailangan na maaksyunan ito ng ating pamahalaan, at ilagay sa ayos.
***
PAHAYAG NI MAYOR ROBES SA BAGONG TAON 2022
Narito naman ang mensaheng ulat ni Mayor Arthur Robes, Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) ngayong bagong taon: “Nawa’y salubungin po natin ang panibagong taon ng may tuwa at pag-asa para sa mas positibong bukas. Lagi po tayong manalig at magtiwalang laging may ganda at may biyayang hatid ang bawat bagong taon ng ating mga buhay. Harinawa ang taong 2022 ay maging mabiyaya at tunay na masaganang taon para sa ating lahat. Muli po, ako ang inyong punong lungsod, Mayor Arthur B. Robes na bumabati ng Ligtas, Masaya at Manigong Bagong taon po sa ating lahat!”Heto pa ang ulat na ating nahalaw mula kay Mayor Robes: “Asahan nyo po na palagi nyong kasama ang Doble Aksyon sa bawat kasiyahan, problema at tuloy-tuloy nating pag-asenso dahil kayo po ang aming nagsisilbing inspirasyon at lakas upang makapaglingkod sa ating Lungsod. Arya San Joseño!”
 
Tsk! Tsk! Tsk! Mabuhay po kayo San Josenios!