17 karagdarang satellite reg site sa Bulacan, binuksan ng COMELEC 

Nagbukas ang Commission on Elections ng 17 karagdagang satellite registration sites sa Bulacan. Pinakamalaki rito ang sa SM San Jose Del Monte na nasa barangay Tungkong Mangga. (Shane F. Velasco/PIA 3)

LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE  — Nagbukas ang Commission on Elections o COMELEC ng 17 karagdagang satellite registration sites sa Bulacan.

 

Pinakamalaki rito ang sa SM San Jose Del Monte na nasa barangay Tungkong Mangga. 

 

Ayon kay Provincial Election Supervisor Mona Ann Aldana-Campos, mayroon ding binuksan sa Productivity Center sa barangay Sapang Palay at sa Barangay Hall ng Minuyan sa lungsod ng San Jose del Monte.

 

Ang iba pang registration sites ng COMELEC ay nasa mga sangay ng SM sa Baliwag at Pulilan, Waltermart sa Plaridel, Robinson’s Place at Vista Mall sa Malolos at sa One San Ildefonso Mall.

 

Sa Pandi, matatagpuan ang mga registration sites sa Virginia Ramirez Cruz High School at Mapulang Lupa Covered Court.

 

Sa bayan ng Paombong, limang barangay hall ang ginawang registration site ng COMELEC na nasa Pinalagdan, San Jose, San Roque, San Isidro I at San Isidro II.

 

Tatanggap ang mga ito ng mga bagong magpaparehistro hanggang ngayong Sabado, Hulyo 23.