15-anyos na lady-biker natagpuang patay sa Bulacan

KINILALA na ng pulisya ang dalagitang natagpuang patay nitong Biyernes ng umaga sa isang madamong lote sa Plaridel Bypass Road sakop ng Barangay Bonga Menor, Bustos, Bulacan matapos ang ilang araw na pagkawala nito.

Ang bangkay ng biktimang si Princess Marie Dumantay na natagpuan sa madamong bahagi sa Plaridel Bypass Road sa Bustos, Bulacan nitong Biyernes. Photo CTTO

Ang biktima ay nakilalang si Princess Marie Dumantay, 15-anyos, dalagita, isang bike-rider at residente ng Gracevill, City of San Jose Del Monte, Bulacan.

Ayon kay Col. Leopoldo Estorque Jr., hepe ng Bustos police, posibleng sa ibang lugar pinaslang ang dalagita at doon sa madamong lugar sa bypass road iniwan ang bangkay upang iligaw ang imbestigasyon.

Batay sa inisyal na report ng pulisya, walang ano mang indikasyon kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng biktima at inaantay pa sa ang resulta ng mediko legal.

Nabatid na huling nakita ang biktima nitong nakaraang Miyerkules kung saan nagpaalam ito na pupunta lamang sa kaibigan at mula noon ay hindi na nakauwi ng bahay.

Featured Photo from Facebook