
Hindi bababa sa 12 katao, kabilang ang 4 na menor de edad, ang nasawi sa isang banggaankarambola ng sasakyan sa SCTEX Toll Plaza noong Huwebes ng hapon, Mayo 1.
Sinabi ni P/Lt. Col Rommel Santos, chief of police ng Tarlac City, limang sasakyan ang sangkot sa insidente: isang MPV, isang closed van truck, isang SUV, isang van, at isang bus.
Batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon, mabilis ang takbo ng pampasaherong bus sa likuran at naging sanhi ng pagbangga sa mga nasa unahang sasakyan.
Nabatid na nakapila ang mga sasakyang nabanggit SCTEX toll plaza toll booth nang biglang araruhin ng Solid North Transit bus..
Ayon kay Santos, sinabihan umano sila ng driver ng bus na nakatulog siya habang nagmamaneho.
Dinala ang mga biktima sa Tarlac Provincial Hospital.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa pamilya ng mga biktima at sa kumpanya ng bus.
Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang driver ng bus.