
Nagkita kami ni Bulacan Gov. Daniel R. Fernando, sa isang mataong lugar at naitanong ng Katropa kung ano ang kanyang opinyon, hinggil sa isang usapin? “Walang Saysay and purely politically motivated!” Iyan ang tugon ni Gov. Fernando.
PNP SOSIA DAPAT NG KUMILOS!
Bigyan pansin natin ang padalang ulat ng ating masugid na mambabasa narito po: Sir Katropa, Gud am sir nanawagan po kami sa Kongreso at sa Senado lalo na po kay PBBM, na sana po maaprobahan na yong dagdag sahod namin na manggagawa sa private sector. Kawawa talaga kami dito sa probinsya mahal na talaga yong bilihin hindi na makaya ng bulsa namin, at pati gasolina nagtaasan na din ng presyo. Sana po buwagin na ‘yong provincial rate gawing national rate, kasi pare-pareho lang naman kami na mangagagawa. Sana po mapansin ‘yong aming panawagan sa ating gobyerno na gumawa na sila ng batas na dagdag sahod namin.
At sana Katropa, pwede n’yo po iparating itong aming concern sa PNP SOSIA, sana po mag-sagawa sila ng inspection sa mga agency at sa mall warehouses kasi po may nakikita po kami na walang security license ang ibang security guard, akala namin bawal yan mag-duty kong expired or under process pa yong license ng isang guard, bakit pinapa-duty pa rin sila? Dito sa Kalibo, Aklan, may mga walang security license! Sana po maaksyunan ng PNP SOSIA agad, at imonitor palagi ang mga guard dito. Thank you and God bless.
Tsk! Tsk! Tsk! Ang ulat na iyan mula sa isang mambabasa natin na taga-Kalibo Aklan. Ilang beses narin natin nailathala ang karaingan nila, mula sa kalagayan ng kanilang pamumuhay sa Probinsiya, at ngayon tungkol sa mga Security Guards na nagdyo-duty ng walang kaukulang security license? Totoo po ba ito? Aba kailangang kumilos na nga ang PNP SOSIA, tungkol sa problemang ito.
Batid natin na ang PNP-SOSIA ay kumakatawan sa Philippine National Police – Supervisory Office para sa Security and Investigation Agencies. Ito ay isang ahensya ng gobyerno ng Pilipinas na responsable sa pangangasiwa sa industriya ng seguridad at pagsisiyasat sa bansa.
Kung mababaliwala ang hinaing ng ating mambabasa, sa patuloy na panloloko ng ilang Security Agency, ito ay malaking dagok sa ating seguridad at lipunan? Kayo ano sa palagay ninyo?