
“This is a significant step forward in our campaign to push for a total ban on online gambling,” Villanueva said. “Public figures have a huge responsibility, especially when it comes to promoting what is morally right.”
Villanueva emphasized that endorsements of online gambling should be covered under the morality clauses in the contracts of influencers and other public figures to discourage such promotions.
The senator is the author of Senate Bill No. 47 or the Anti-Online Gambling Act, which seeks to prohibit all forms of online gambling operations in the country.
“Una po tayong nag-file noong 19th Congress. Sa mahabang panahon, para tayong nag iisang boses sa kawalan, kaya sa pagdami ng mga may panukalang itigil na ang online gambling at anumang uri ng sugal na lalong naglulugmok sa ating mga kababayan sa kahirapan at pagkawasak ng mga pamilya, atin pong pakatututukan ito ngayong 20th Congress,” Villanueva said.
According to reports, Meta took down around 20 influencer pages, some with hundreds of thousands to millions of followers, after receiving reports that they were actively promoting illegal online gambling content. (30)
Villanueva pinuri pagbaklas ng mga social media page ng mga influencer na nag-eendorso ng illegal online gambling
Ikinatuwa ni Senador Joel Villanueva, masugid na naninindigan sa total ban sa online gambling, ang inisyatiba ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), Meta Philippines, at advocacy group na Digital Pinoys na tanggalin ang social media pages ng mga influencer na nagpo-promote ng illegal online gambling sa bansa.
“This is a significant step forward in our campaign to push for a total ban on online gambling,” sabi ni Villanueva. “Public figures have a huge responsibility, especially when it comes to promoting what is morally right.”
Binigyang-diin ni Villanueva na ang pag-endorso ng online gambling ay dapat saklaw sa ilalim ng ‘morality clauses’ ng mga kontrata ng mga influencer at iba pang public figures para mapigilan ang mga naturang promosyon.
Ang senador ay may-akda ng Senate Bill No. 47 o Anti-Online Gambling Act, na naglalayong ipagbawal ang lahat ng uri ng online gambling operation sa bansa.
“Una po tayong nag-file noong 19th Congress. Sa mahabang panahon, para tayong nag-iisang boses sa kawalan, kaya sa pagdami ng mga may panukalang itigil na ang online gambling at anumang uri ng sugal na lalong naglulugmok sa ating mga kababayan sa kahirapan at pagkawasak ng mga pamilya, atin pong pakatututukan ito ngayong 20th Congress,” ani Villanueva.
Ayon sa mga ulat, tinanggal ng Meta ang pahina ng mahigit 20 influencers, na may daang libo hanggang milyong mga follower, matapos makatanggap ng mga ulat na aktibo nilang pino-promote ang mga illegal online gambling content.