Vice Mayor sa Aklan binaril ni konsehal sa loob ng SB Hall, patay

Habang nasa loob ng kaniyang  tanggapan sa Sangguniang Bayan (SB) Hall ay binaril at napatay ang bise alkalde ng Ibajay, Aklan ng kasamahan nitong konsehal ng bayan sa ngayong Biyernes ng umaga, Agosto 8.
Vice Mayor Julio Estolloso – Ibajay, Aklan
Ang biktima ay kinilalang si Vice Mayor Julio Estolloso na idineklarang dead on arrival sa pagamutan habang ang suspek ay kinilalang si municipal councilor Mihrel Senatin na sumuko naman sa Ibajay Police.
Sa inisyal na report, sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa loob ng SB hall kung saan pinagbabaril umano ng suspek na si Konsehal Senatin ang biktimang si Vice Mayor Estolloso.
Nagtamo ng hindi bababa sa 7 tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima ayon sa police report.
Kasalukuyan nasa kustodiya ng Ibajay Police ang suspek at inihahanda na ang kasong ‘murder’ na isasampa laban sa kaniya.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang habang humuhungi naman ng hustisya ang pamilya ng biktima.