NANAWAGAN si Sen. Joel “TESDAMAN” Villanueva sa Maritime Industry Authority (MARINA) na siguruhin nito ang kalidad ng maritime graduates para mas madali silang makakuha ng trabaho kaysa magpataw ng limang taong moratorium sa pagtatag ng mga bagong paaralan para sa mga seafarers.
“Kasinghalaga ng access sa education at skills training ang pag-angat ng kalidad ng edukasyon sa ating maritime schools. Ipinapagkait natin sa ating mga kababayan ang quality-assured education at training opportunities sa 5-year ban na ito,” sabi ni Villanueva.
Sinabi ng senador na ang pagkakaroon ng mga bagong maritime schools ay oportunidad para sa mas magagaling na institusyon na sumusunod sa requirements of the International Convention on Standards of Training, Certification, and Watchkeeping For Seafarers, gayundin sa global quality assurance standards. Maaari rin daw makakuha agad ng akreditasyon ang mga bagong maritime schools ayon sa program standards and guidelines na papasa sa mga international audit gaya ng sa European Maritime Safety Agency (EMSA).

“Ang mas malaking isyu dito ay bakit meron tayong existing maritime institutions na accredited pa rin kahit hindi pumapasa sa audit ng mga foreign accrediting agencies?” sabi ni Villanueva.
Sa halip na complete ban, iminungkahi ng chair ng Senate committee on labor, employment, and human resources development na siguruhin ng MARINA na sumusunod sa global standards ang mga naitatag na at itatayo pa lamang na maritime schools.
“Kailangan pa po natin ng pag-aaral at konsultasyon sa mga stakeholders ng maritime industry tungkol dito, para ito rin ang maging batayan ng desisyon at implementasyon ng susunod na administrasyon,” sabi ni Villanueva.
Nais ng senador na pagtibayin ang maritime education and training sa bansa para tugunan ang mga kakulangang natukoy ng audit ng European Maritime Safety Agency (EMSA). Iniulat sa audit ng EMSA ang kakulangan sa sistema ng edukasyon para sa seafarers, pangangailangan sa inspection and evaluation ng mga paaralan, kakulangan sa simulators, at mababang kalidad na on-board training.
Kung umani ng negative report mula sa European Commission (EC) ang maritime education ng bansa, hindi na kikilalanin ng European Union ang mga certificate at permits ng Filipino seafarers. Dahil dito, maaaring mawalan ng trabaho ang libo-libong Pilipinong seafarers na nagtatrabaho sa mga European vessels.
“Malaking dagok ito sa reputasyon ng Pilipinas bilang major supplier ng maritime officers at seafarers. Malaking dagok din ito sa buhay at kabuhayan ng mga Pilipinong pamilya na nakaasa sa pagkilala ng kahusayan Philippine maritime education and training,” sabi ni Villanueva.
Napabalitang nagsumite na ang MARINA ng strategic corrective actions sa EMSA para iangat ang standards ng maritime education sa bansa.
Maliban sa limang taong pagbabawal sa pagtayo ng bagong maritime schools, sinabi rin ng MARINA na nagpapatupad na ito ng iba pang reporma para tugunan ang isyung natukoy ng EMSA. Kabilang dito ang pagkakaroon ng dagdag na tauhan para magmonitor at mag-evaluate ng mga schools at training centers para sa seafarers; automation ng mga serbisyo ng ahensya; at pagbawas sa bayad para sa mga permit at certificate.
Dahil dito, binigyang-diin ni Villanueva na kailangan nang maipasa ang panukala niyang Magna Carta for Filipino Seafarers (Senate Bill No. 2369). Sa ilalim ng Magna Carta, magtutulungan ang MARINA at ang Commission on Higher Education para masiguro na sumusunod sa global standards ang mga maritime schools sa bansa. Pinoproteksyunan din nito ang mga karapatan ng mga seafarers ayon sa international covenants ng bansa.
Kasalukuyang nakabinbin sa second reading ang panukalang batas, at hinimok ni Villanueva ang Senado na suportahan ang pagpasa ng Magna Carta for Filipino Seafarers sa pagbabalik ng sesyon sa Mayo matapos ang halalan.