“As I have reiterated before, the ICC should not interfere with our domestic affairs. And that is because, aside from the fact that we are no longer a member of the ICC, our domestic courts remain fully operational and independent.”
This was the statement released by the camp of Senator Bong Go in connection with the arrest of former President Rodrigo Duterte on March 11, 2025.
Katunayan, merong mga kasong naisampa na. May mga imbestigasyong isinagawa din ang Executive at Kongreso. Sabi nga ng dating pangulo, handa naman siyang harapin ang anumang asunto laban sa kanya basta kapwa niya Pilipino ang maghuhusga sa kanya.
We leave it up to the lawyers of FPRRD to file the appropriate legal remedies in the Supreme Court.
At bilang matagal na nanilbihan sa dating pangulo, ipinangako ko sa kanya na hinding-hindi ko siya pababayaan, lalo na pagdating sa kanyang kalusugan.
Ilang araw na lang ay 80 years old na si Tatay Digong. Marami na rin siyang karamdaman na iniinda dulot ng edad. In fact, he was supposedly scheduled for admission to the hospital tomorrow, March 12. Also, as of 3pm today, his glucose level shot up and he was again advised admission by his doctor to avoid acute diabetes complication.
Umaapela ako sa awtoridad na pangalagaan ang kanyang katayuan, unahin ang kanyang kalusugan, at ipagdasal natin ang kanyang kaligtasan. Constitutional right naman po yan ng bawat Pilipino to get proper medical attention when needed.
Ginawa ni dating Pangulong Duterte ang trabaho niya para sa kabutihan ng bansa at ng ating mga anak. Ang mga kababayan lamang natin ang dapat humusga kung naging maayos at epektibo ba ang kampanya laban sa iligal na droga. Sila ang mas nakakaalam kung ligtas sila noon na nakakauwi sa kanilang pamilya na hindi nasasaktan at kung hindi nababastos ang kanilang mga anak ng mga adik at ibang kriminal, lalo na sa gabi.
Long gone were the days when foreigners had to dictate how we run our internal affairs. Filipinos should be judged by fellow Filipinos before the Philippine courts operating under Philippine laws.
At sa ating mga kababayan, umaapela ako na maging mahinahon tayo. Ayaw nating magkagulo dahil ang kawawa dito ay ang mga Pilipino. Hayaan natin ang mga legal na proseso na gumulong, basta kung ano lang ang tama at legal ayon sa mga batas ng Pilipinas.
Please pray for Tatay Digong’s safety and health.