IBA, Zambales — Nasa kabuuang 10 kababaihan mula sa bayan ng Iba ang sinanay ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA sa paggawa ng atchara.
Ang mga benepisyaryo ay maybahay ng mga tricycle driver.
Ayon kay TESDA Provincial Training Center-Iba Administrator Eugene Peñaranda, ito ay bahagi ng regular na pagsasanay sa ilalim ng community-based training program.
Layunin nito na mabigyan ang mga benepisyaryo ng basic skills training upang magamit bilang isa sa kanilang mapagkukunan ng oportunidad sa kabuhayan.
Tumanggap ng Certificate of Training ang mga kalahok matapos ang kanilang isang araw na pagsasanay.
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng isinagawang Comprehensive Community Outreach Program ng Iba Municipal Police Station kasama ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.
SOURCE: Reia G. Pabelonia PIA3