PINANGUNAHAN ni Senator Joel Villanueva ang inagurasyon ng Technical Education and Skills Development Authority’s (TESDA) P30 million 2-storey dormitory at multi-purpose gymnasium sa ginanap na inaugural and turn over ceremony sa Regional Training Center Central Luzon (RTCCL) sa Guiguinto, Bulacan nitong Martes March 22, 2022.
Ang nasabing 2-storey dormitory ay itinayo sa 257 square meters na lote habang ang Multi-Purpose Gymnasium ay sa 708 square meters na kpwa nasa loob ng compound ng RTCCL-Guiguinto.
Ayon kay Bulacan TESDA director Jovencio Ferrer ang dormitoryo at gymnasium ay may kabuuang halaga na P30 milyon na isponsor ni Senator Villanueva na kung saan ay ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nangasiwa ng pagpapagawa sa ilalim ng General Appropriation Act (GAA) of 2019.
Ayon kay Ferrer ang mga nasabing proyekto ay maaari maging bahagi ng income generating program ng Bulacan TESDA.
Ayon naman kay Senator Villanueva, malaki ang magiging impact ng naturang proyekto para sa mga trainees sa larangan ng livelihood and skills program.
“This is a dream come true for all of us as “Tesdan”. Kahit anong ganda at dekalidad ang ating training program, ano man ang ipinapatupad natin na curiculum o training regulations kung hindi natin aalagaan ang ating sarili at ang compound na katulad nito ay masasayang lang ang lahat ng effort ng gobyerno,” pagtatapos ni Villanueva.
Kabilang din sa dumalo sa nasabing okasyon ay sina Atty. Balmyrson Valdez, regional director of TESDA III para sa katauhan ni Secretary Isidro Lapeña; Boyet Ramirez naman para kay Governor Daniel Fernando; Mayor Ambrosio Cruz Jr. ng bayan ng Guiguinto; ASec. Teodoro Gatchalian ng Department of Science and Technology (DOST); at Atty. Mikee Rosales, Project Manager of San Miguel Corporation Special Project.