Temporary toll relief sa NLEX, ipatutupad

Bilang tugon sa panawagan ng Department of Transportation (DOTr), ang NLEX Corporation ay magpapatupad ng pansamantalang toll relief sa northbound na bahagi ng expressway mula Balintawak hanggang Meycauayan simula Marso 24, 2025 ng alas-12 ng tanghali.
 
 
Mananatiling may bisa ang relief na ito hanggang sa muling mabuksan ang lahat ng apat na lane ng Marilao northbound area.
 
Ang Marilao Bridge ay nagtamo ng matinding pinsala mula sa isang trak na lumalabag sa mga regulasyon, at ang mga pagbabago sa daloy ng trapiko ay ipinatupad upang mapadali ang patuloy na pag-aayos at matiyak ang kaligtasan ng mga motorista.
 
Sa Facebook page ng NLEX Corp., humihingi ito ng mas mahaba pang pasensya at pang-unawa mula sa mga nagmamaneho kung saan patuloy na pinabilis ang pag-aayos at nagsisikap na maibalik ang normal na daloy ng trapiko sa lalong madaling panahon.