TEAM PULA RICKY-OBET HUMAHATAW SA SANTA MARIA

Mas matibay na mga polisiya upang mapabuti ang seguridad  at sahod, benepisyo, kasanayan, at kalagayan sa pagtatrabaho ang hangad ng Team Pula para sa kanilang mga kababayan sa Santa Maria, Bulacan.
TEAM RICKY-OBET
Lumalabas sa datos na marami sa mga manggagawa sa Santa Maria ang tumatanggap ng mababang sahod kaya hindi ito makasapat para makabuhay sa pamilya.
Kaya ang Team Pula sa pangunguna nina Brgy. Captain Ricky Buenaventura, na ngayon ay  kumakandidatong alkalde ng Santa Maria, at Councilor Obet Perez, na kanyang kandidatong vice-mayor ay naghahangad na gumawa ng mga panukalang batas na magbibigay ng permanenteng estado sa trabaho sa kanilang mamamayan kapag sila ay pinalad sa darating na mid-term elections sa Mayo 12.
Sa tulong ng mga kandidatong konsehal ng Team Pula na sina Froilan Caguiat at Honda Teodoro ay kanilang isusulong ang mas maayos na benepisyo para sa mga manggagawa tulad ng health insurance, retirement plans, at bayad na leave.
At dahil mga kabataan ang mga kandidatong konsehal ng Team Pula tulad nina Richard Gravador, Jelo Joaquin, Daniel Gasper at Siann Sta. Rosa,  susuportahan din ng grupo ang mas malaking pondo mula sa gobyerno para sa maagang edukasyon ng mga bata
Ang pondong ito ay makatutulong sa pagpapabuti ng pasilidad ng mga daycare center, pagbibigay ng kinakailangang kagamitan, at pagpapatupad ng mga programa upang mapahusay ang kondisyon sa trabaho ng mga daycare worker.
Nagbigay rin ng makabuluhang mensahe  si Brgy. Captain Garci Gravador na kasama sa line-up ng Team Pula na pinuri at pinalakpakan ng mga tagapagtaguyod.
Sa kanyang inspirational message sa harap ng mga supporters sa ginanap na caucus noong Biyernes ng gabi sa Phase 7 Las Palmas Subd., Brgy. Guyong, Santa Maria, hindi naitago ni Brgy. Captain Ricky Buenaventura ang tuwa at pagpapasalamat sa mga kababayan sa mainit na pagtanggap sa kanila.