NAKAKABILIB naman ang tambalang Gov. Daniel Fernando at VG Alex Castro, Lalawigan ng Bulacan, dahil sa 24 na parangal na nasyunal at rehiyonal ang nakamit ng nasabing lalawigan, sa kanilang anim na buwan ng ika-2 termino ng Punong lalawigan.
Tsk! Tsk! Tsk! Batay sa tala, narito ang mga parangal: 2022 Most Business-Friendly Province award mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry; ang ika-10 pwesto bilang Most Competitive Province; Ang ika-anim nitong Seal of Good Local Governance, ang apat pang parangal mula sa 2022 Gawad Timpukan Central Luzon Award, Recognition for the Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children, Local Council for the Protection of Children, Local Government Support Fund-Support to Barangay Development Program 2021, at Local Government Support Fund-Conditional Matching Grants to Provinces.
Top 3 sa Local Revenue Generation Hall of Fame Award para sa Fiscal Year (FY) 2018 hanggang 2020, at Top 2 sa Highest Locally Sources Revenues para sa FY 2021. Limang parangal para sa lalawigan sa ginanap na 8th Central Luzon Excellence Awards for Health kabilang ang Outstanding Epidemiology and Surveillance Unit, Best in Multi-sectoral Collaboration on COVID-19 Vaccination, Pulang Laso Excellence Awards for Health na ipinagkaloob sa Bulacan Medical Center (Hospital Category), Excellence Award for DRRM-H Institutionalization, at Excellence Award in UHC Implementation.
Rank 2 on Outstanding Performance in the implementation of projects, accounts and programs under the High Value Crops and Development Program; Highest Accomplishment on the distribution and submission of signed list for inorganic fertilizer; Highest Number of verified farmers and farm lots under the RCM-FFR (Provincial Category; Outstanding Province in Central Luzon, at Highest Accomplishment on the distribution and submission of signed list for inorganic fertilizers (RCEF Provinces). Nakamit rin ng lalawigan ang Beyond Compliant Seal of Excellence sa ginanap na Ika-22 Gawad Kalasag Seal for Local DRRM Councils and Offices. 2021 Top Performing Public Library in the Philippines – Provincial Category ng National Library of the Philippines at Asia Foundation, at ng Energy Efficiency Excellence Awards mula sa Department of Energy; wagi ang SINEliksik Bulacan ng Best Program for Culture and the Arts Grand Champion mula sa Association of Tourism Officers of the Philippines – Department of Tourism; at kinilala si Gov. Fernando bilang 2022 Most Influential Elected Official ng Gawad Amerika Awards.
“Oo, mahalaga ang mga parangal na tulad ng mga ito. Ngunit ang lubos na importante ay ang sinisimbolo ng mga ito, na ibinibigay natin ang maaasahang serbisyo-publiko sa ating mga kalalawigan. At hindi sila nagkamali na tayo ang pinili nila na mamuno sa kanila tungo sa kaunlaran,” wika ni Gov. Fernando.
Mabuhay ang Lalawigan ng Bulacan sa pamamahala nila Gov. Daniel Fernando at VG Alex Castro!