Talumpati ni PBBM may diin at sinseridad

Nakakabawas pangamba ang ginawang paniniyak ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga First Scout Ranger Regiment (FSRR,) sinabi niya na (isinalin ng Katropa sa tagalog) mahalagang unahin ang mga kakayahan ng mga tropa, habang pinalalakasng bansa ang panlabas na depensa nito. At ang patuloy na suporta at tulong ng Gobyerno para mapabuti ang operational capability nito, sa pagdiriwang ng ika-73 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng FSRR sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan, kamakailan.
 
“Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kinakailangang mapagkukunan at suporta, mabibigyang-daan natin ang Scout Rangers, kabilang ang ating mga yunit ng espesyal na pwersa, na suportahan ang sandatahang lakas habang ito ay nagiging mas malakas at mas maaasahang puwersa ng depensa na may kakayahang ipagtanggol ang bansa laban sa kasalukuyan at umuusbong na mga banta. Hindi lamang isang pagdiriwang ng kasaysayan kundi isang pagkilala sa mahalagang papel ng yunit na ito sa pagharap sa mga banta sa panloob na seguridad at pangangalaga sa ating bansa,” wika pa ng Pangulong BBM.
 
Tsk! Tsk! Tsk! Sa pakikinig ko sa kanyang talumpati na may diin at sinseridad, ay dama natin ang malasakit na mailagay sa maayos na katayuan, kahandaan at kapayapaan ang ating bansa. Nais lamang natin na imungkahi na dadagan pa ang mga pwersang pandigma sa kalupaan, himpapawid at hukbong-dagat, ng sa ganoon ay pangtapat sa lakas ng pwersang ipinakikita ng mga dayuhang bansa na nais na sakupain tayo sa hinaharap. At palakasin ang Government Arsenal (GA,) isang ahensya ng gobyerno ng Pilipinas sa ilalim ng Departamento ng Depensang Pambansa, na responsable sa paggawa ng mga pangunahing armas at bala para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP.) Mabuhay ka PBBM!
***
Basahin natin ang padala ng isang Paaralan mula sa Gen, Trias Cavite, narito po: Matagumpay na idinaos ang Division Education Stakeholders Summit, Local Stakeholders Convergence and Partnership Recognition, na ginanap sa Gen.Trias Convention Center, may temang: Breaking New Grounds for Dep.Ed MATATAG, noong November 17, 2023.
Sa unang part ng program ay inilahad ng School Division Superintendent  (SDS) na si Daisy Miranda, CESO V ang SDO projects aligned with Dep.ED MATATAG, Tungkol sa mga sumusunod na programa ng GEN3 MATATAG, ay ang Reading Program na mga varied reading materials at hindi textbooks or modules, para ma-promote ang love for reading, mga learning materials na ma-develop ang different reading skills, kalusugan ng mga mag aaral, mga trainings and seminar and support for teachers to teach better at magkaroon ng funds para sa prof. Fee sa invited resource speaker,
Ito ay dinaluhan ng mga Opisyales ng naturang bayan: Congressman ng Distrito na si Antonio Ferrer, Mayor Luis Ferrer, Vice Mayor Jonas Glyn Labuguen, Morit Sison at iba pang mga City Councilors. Kasama din ang mga ibat ibang sector tulad ng Philhealth, GSIS, Pag-Ibig, PTA Presidents, Barangay Captains, School heads at mga Stakeholders.- Melita Arbado, Guidance Department, Claremont School of Gen. Trias, Cavite
Tsk! Tsk! Tsk! Salamat Gng. Arbado.