Muling nagkaroon ng malaking pulong ang Provincial, City and Municipal Advisory Council (MAC) group, na ginanap sa Pandi Town, nitong ika-25 ng Enero, 20, 2023.
Tinalakay ni P/Lt. Col Cresenciano Cordero., Jr. Hepe ng Provincial Police Strategy Management Unit: (PPSMU.) sa nasabing miting, ang transformation program ng PNP-ITP, the P.A.T.R.O.L.plan 2030. Ang kapansin-pansing mga natamo ng PNP, nagtagumpay hindi lamang sa ahensyang nagpapastol na mas malapit sa pagiging epektibo, at kapani-paniwalang serbisyo ng pulisya. Nag-aambag din sa mas matataas na mga resulta ng pag-unlad- isang mas ligtas na bansa para mamuhay ng payapa sa trabaho at maayos na negosyo
Ano ba ang PNP transformation program? Batay sa impormasyon ito ay ang Programang nagpapakita ng isang komprehensibo at ‘holistic’ na diskarte upang repormahin ang PNP sa pamamagitan ng kanyang tapat-sa-kabutihang pagtatasa ng kasalukuyang institusyonal na balangkas, mga patakaran, sistema, istruktura, at mga pamamaraan nito.
At ang PATROL PLAN 2030, batay sa tala ay resulta ng nakakapagod na pagsusuri at pagrepaso sa mga nakaraang plano at programa ng PNP, mga isyu at alalahanin, hamon at input kapwa mula sa panloob at panlabas na mga stakeholder na nagsilbing batayan ng Technical Working Group (TWG) sa pagbubuo nito ng Transformation Roadmap 2030.
Gayundin binanggit ni Cordero. Jr., na mahalaga ang tiwala ng Komunidad, ang panlipunan at pang-ekonomiyang epekto, mapayapa, ligtas na umaasa at progresibong mga komunidad, at kung ito ay magagawa ay magkakaroon ng ganap na kaunlaran ang ating bayan.
Maliban sa dito ay nagkaroon din ng Oath taking of New Advisory Group Member/Renewal of Oath. Nagsagawa rin ng ‘briefing of AG Accomplishments ang Advisory Group ng bayang Sta. Maria. Bocaue at ang Pandi.
At sa panghuling pananalita ay ginampanan naman ng Punong abala na si P/Lt. Col Gilmore Wasin, Chief PNP, ng bayang Pandi, na nagpasalamat kay P/Lt.Col. Cordero, Jr. gayundin sa mga miyembro ng MAC mula sa Bocaue, Sta. Maria, at bayang Pandi.at mga nagsidalo sa nasabing okasyon.
Kinuha lamang natin ang ilang nasabi ni Chief Wasin, ang kanyang pagbati ng Happy New year ang lahat, dahil ika niya ay ito ang ‘first meeting of this year. Binanggit niya ang makabuluhang bagay na nagagawa ng Advisory council sa imahe ng mga Alagad ng batas. “Sinubukan nating gumawa ng mas mahusay na serbisyo at magkaroon ng ‘reassessment,’ magkaroon ng ‘closer look’ kung ano ang magagawa natin, kung saan tayo nagkulang o mag-improve, iyun ang maigiging guide natin. Ipagpatuloy ang magandang gawain sa mga taong ating siniserbisyuhan.”.
Muli ang kanyang pagbibigay halaga sa mga miyembro ng ‘Advisory Council’ na nakapaka-importante sa buhay ng mga Pulis. Binanggit din ni Wasin na tayo ay nasa yugto ng institusyonalisasyon, at ang MAC ay kanilang katuwang sa mga nagagawa nilang mga aktibidad at proyekto. Patuloy kaming maglilingkod. ang buhay ay maganda ika pa ni Wasin.
Tsk! Tsk! Tsk! Pinasaya ni Cordero ang nasabing pulong sa mga ‘Jokes’ nito tungkol sa kanyang pinagdaanang buhay. Mabuhay ang Philippine National Police at ang Provincial, City and Municipal Advisory Council sa Lalawigan ng Bulacan.