SUPPORTER OF ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT

Iprinisinta ni Bulacan Environment and Natural Resources Officer Abgd. Julius Victor C. Degala ang plake ng pagkilala kay Gobernador Daniel R. Fernando noong Lunes sa isinigawang Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lungsod ng Malolos, Bulacan matapos gawaran ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng pagkilalang ‘Outstanding Support in the Implementation of Ecological Solid Waste Management’ ng Department of Environment and Natural Resources kamakailan. Kasama rin sa larawan sina (mula kanan) Bise Gob. Alexis C. Castro, Bokal Romina D. Fermin, Panlalawigang Tagapangasiwa Antonette V. Constantino, at Bokal Raul A. Mariano.