Suporta para kay TESDAMAN lalong lumobo dahil sa endorsement ng Iglesia ni Cristo

SEN. JOEL VILLANUEVA

LUBOS ang pasasalamat at buong pagpapakumbabang tinanggap ni Sen. Joel “TESDAMAN” Villanueva ang endorsement ng Iglesia ni Cristo sa kanyang kandidatura bilang re-electionist na senador.

“I am grateful to the Iglesia ni Cristo led by its Executive Minister Ka Eduardo V. Manalo and the entire leadership for their invaluable support. Taos-puso po ang ating pagpapasalamat sa pagsuporta sa ating adbokasiya na ipagpatuloy paggawa at paglikha ng magagandang trabaho,” ani Villanueva sa isang pahayag.

Ang endorsement ng INC kay Villanueva bilang senatoriable ay sumunod sa napakaraming suporta ng senador mulka sa iba’t ibang sektor na pruweba umano na maraming nagawang maganda at mabuti si TESDAMAN sa Senado.

“If you are doing your best for the good of your fellow men, regardless of their politics, creed, beliefs and social status, then probably these are rewards you reap,” dagdag ni Villanueva.

Ipinahayag ng INC ang endorsement ng kanilang senatorial list noong Martes sa Net25, at sa mga sample ballot na ilalabas ay nakalista ang pangalang ni TESDAMAN Villanueva.

Ito ay matapos ding maimbitahan si Villanueva ng grupong El Shaddai charismatic community sa lingguhan nitong pagtitipon sa Paranaque City noong Sabado kasama ang 10 pang ibang senatorial candidates na humingi ng blessing kay Bro. Mike Velarde.

Nagpapasalamat si Villanueva sa suporta, at nagpahayag na ang mga ito ay parehong “blessing at burden.”

“With those endorsements come the responsibility to perform even better, to work even harder, to exercise the mandate with excellence, to always do what is right,” aniya.

Bagamat tuwing anim na taon lamang dumadating ang ganitong mga endorsement, sinabi ni Villanueva na kailangang suklian ang pagtitiwalang ibinigay nila ng maayos na paninilbihan at katapatan sa tungkulin sa bawat araw ng panunungkulan ng isang senador.

“Ang paniniwala po natin sa buhay ay hindi dapat sila mapahiya sa tiwalang ibinigay sa akin,” ani Villanueva, na unang nanalo bilang senador noong 2016 elections na may natanggap na botong 18,459,222.

“Tungkulin po nating suklian ang kanilang tiwala ng tama at tapat na serbisyo sa tao at pagmamahal sa bansa,” dagdag pa niya.

“In addition to the oath I keep, that is the social contract for the common good I have to live up to.”

Labing limang taon nang mambabatas si Villanueva, at marami nang sektor at religious groups ang nagpahayag ng suporta sa kanyang kandidatura pagka-senador.

Common candidate din si TESDAMAN Villanueva ng mga kandidato pagka-pangulo na sina Vice President Leni Robredo, Sen. Ping Lacson at Sen. Manny Pacquiao, kasama si vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte at Pangulong Duterte.