KATROPA NAKA-CENTRO
Ni VIC BILLONES III
Bigyan daan natin ang pasalamat si Mayor Rico Roque, Pandi, Bulacan, sa kanyang nakamit na plake, bilang pagkilala sa suporta at mahusay na pakikipagtulungan sa naging matagumpay na implementayon ng Resettlement Government Assistance Funds Projects sa bayan ng Pandi, sa ginanap na 2021 Resettlement Government Assistance Fund Exit Conference, kamakailan.
“Una maraming salamat sa DILG sa pagkilala n’ya sa pagkilala nila sa bayan ng Pandi ‘as outstanding implementor of RGAF funds.’ Ang RGAF ay programa under ng DILG kung saan nagiging katuwang ng bawat LGU sa pagbibigay ng tulong, programa at proyekto sa mga relocation sites,” wika ng masipag na Mayor.
***
MALIGAYANG PASKO SA MGA SAN JOSENIOS
Marami ang natuwang mga kawani ng pamahalaan ng Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) ng ilunsad ng Pamahalaang lungsod sa pangunguna nila Mayor Arthur Robes at Congw Rida Robes, ang kanilang Pamaskong handog sa mga kawani ng Pamahalaan, na ginanap sa Convention Center, Motorpool, Sapangpalay Proper, kamakailan.
Nagsibati ng maligayang Pasko na may galak sa kanilang puso sila Mayor Robes, Congw Rida Robes, VM Efren Bartolome, Jr., at iba pang mga Lider ng LSJDM sa mga nagsidalo. Upang ganap na maging makulay at masaya ang gabi ay nagkaroon ng tunggalian sa mahusay sumayaw na sumasabay sa makislot na himig ng musika, at nagbigyan ng mga pabuya ang mga nanalo. Halos lahat ay nabigyan ng pamasko, na ikinalugod ng mga kawani na umaabot sa mahigit dalawang libong katao. Sila ay nakapag-uwi ng mga sari-saring uri ng delata, hamon, 25 kilo na bigas at panggastos.
Sa nasabing okasyon ay nakadaumpalad natin ang masipag at matalinong City Administrator ng LSJDM na si Dr. Dennis Booth, sa pagkakataong iyun ay nahingan natin siya ng reaksyon, kung ano ang kanyang nadarama sa nagaganap na kasayahan, ayon sa kanya, “ang Kapaskuhan ay panahon ng pagbibigay, pag-ala-ala at pagsasapuso ng mga nakatulong kay Mayor Arthur at Congw Rida Robes, sa kanilang mga programa tungkol sa City Government. Lalo na iyung kanilang ‘promotion’ ng ‘welfare’ ng tao, iyung pagbibigay ng ayuda. Kung kayat iyung mga mumunting bayani na nakatulong sa ‘vaccination,’ sa pagdi-distribute ng ayuda at ‘profiling,’ lahat ng mga iyun sa panahon ng pandemya. Kinakailangan ng bayanihan, kaya madaming nakatulong at kasama nga iyung mga empleyado ng pamahalaang lungsod na tumulong sa mag-asawa. Kayat iyung pamaskong handog ng mag-asawa ay pagkilala sa kanilang mga ‘contributions at efforts’ sa panahon na kinakailangan.”
“Ang mensahe sa kapaskuhan ay iisa, panatilihin sa ating puso ang pagmamahal, pakikiisa at pakikipagtulungan ng bawat isa na maisulong ang adhikain ng pamahalaang Lungsod. Sa kapwa ko San Josenios, ako ay labis-labis na nagpapasalamat sa kanilang pag-unawa na kahit ang City Government ay gumagawa ng mga kaparaanan, kung di man lahat ay matugunan, sa abot ng aming makakayanan. ‘We are trying our best to give in to their wishes for help,’ at sa ngayong panahon ng kapaskuhan sana panatilihin natin sa ating mga puso ang pasasalamat sa mga biyaya na ating natanggap. Sa biyaya ng buhay sa gitna ng pandemya ay nandito pa rin tayo, malakas at nagta-trabaho at dahil dito ang City government ay nandirito, para tumugon sa kanilang pangangailangan. Merry Christmas to all,” dagdag pa ni Booth.
Tsk! Tsk! Tsk! Napakasaya ng gabi, sana manatiling masaya ang lahat ngayong kapaskuhan. Maligayang Pasko sa lahat!