Nagmistulang mga Santa Claus ang mga empleyado ng SM Malls sa Marilao, San Jose Del Monte, Pulilan, at Baliwag upang magbigay ng maagang pamasko sa 950 underprivileged individual, group and communities sa lalawigan ng Bulacan buhat sa kanilang Christmas Kalinga Cheers na ginanap noong December 14, 2022.
Ang Christmas Kalinga Cheers ay joint project ng SM Foundation Inc at SM Supermalls.
“The Christmas Kalinga Cheers aims to give love and happiness to communities and less fortunate families in the province,” ayon kay Gladiz Latiza, Marilao SM City Media Relation Officer .
Nasa 100 namang pamilya mula sa Barangay Pagala ang nabiyayaan ng nasabing pamasko ng SM City Baliwag gayundin sa 100 mga local transport group sa Baliwag.
150 Christmas kalinga packs ang napamigay ng SM Center Pulilan sa mga pamilya mula sa Barangay Sto. Cristo, Barangay Longos, at Barangay Cutcot at sa local transport group .
“Everybody has a holiday season tradition. The Christmas Kalinga Cheers is one of SM’s holiday tradition of giving hope and reaching out to those in need. We wanted to bring joy to the less privileged and put a smile on their faces,” wika ni SM City Marilao Mall Manager Emmanuel Gatmaitan.
Umabot na sa 23,327 Christmas Kalinga packs ang napamahagi sa buong bansa.