NAGPAHAYAG ng kalungkutan ang SMC Global Power sa desisyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) kamakailan na hindi pagbigyan ang hiling nito at ng Meralco na magkaroon ng anim na buwang pagluluwag sa mga Power Supply Agreement (PSA) nito.
Ayon sa SMC Global Power, ang kasunduan nila ng Meralco na nilagdaan noong 2019 ang isa na lamang sa mga natitirang fixed-rate agreements at ito ang dahilan kung bakit napapanatiling mababa ang presyo ng kuryente ng Metro Manila kumpara sa ibang probinsya na bansa.
“We regret the Energy Regulatory Commission’s (ERC) denial of our joint petition with Meralco for temporary relief on our 2019 power supply agreements (PSAs), not so much for our own interest but more for the consumers,” ayon sa statement na ipinalabas ng naturang kumpanya.
“The temporary relief would have enabled us to preserve the last remaining fixed-rate PSAs of Meralco that are responsible for keeping power rates in Metro Manila low compared to other parts of the country, amid surging global fuel prices,” dagdag pa ng kumpanya.
Sa dissenting opinion na nakapaloob sa desisyon, pangunahin sa naging dahilan ng SMC at Meralco sa paghiling ng panandaliang taas-singil ay ang epekto na pagtaas ng presyo ng coal sa pandaigdigang pamilihan mula $60-65 kada metriko tonelada noong 2019 na umaabot na ngayon sa halagang $400 kada metriko tonelada.
Ayon rin sa nasabing dissenting opinion, makikita na mas makakabuti sa mga consumer na katigan ang petisyon ng SMC at Meralco dahil lalabas na mas mababa ito kumpara sa ibang senaryo kung saan mas tataas ang presyo ng kuryente sa mas matagal na panahon.
Ayon sa pagtutuos ng Meralco na sinangayunan ng Regulatory Operations Office ng ERC, ang pagpayag sa petisyon ng SMC at Meralco ay aabot lang sa pagtaas ng P6.0691/kw ang kuryente kumpara sa P7.9891/kw kung kumuha ang Meralco sa ibang suppliers sakaling mapilitan ang SMC na i-terminate ang kasunduan dahil sa patuloy na pagkalugi into.
Samantala, aabot sa P8.94/kwh ang kuryente kung kukuha ng supply ang Meralco sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).
Sinabi ng Meralco sa pagaaral nito na malinaw na ang SMC ang may pinakamababang presto kahit pa ibigay ng ERC ang temporary increase na hinihingi nito.
“The ERC-ROS itself confirmed that the commission does not have any other data or information that could contradict or disprove the computations and simulations submitted by Meralco. We believe these numbers speak for themselves,” wika ng kumpanya.
“The ERC, armed with such data, knows too well that denying the petition will not only cripple us, but more importantly, burden consumers who will have to face higher electricity bills.”
Gayunpaman ay nagbigay ng katiyakan ang SMC Global na gagawin nila ang lahat ng makakaya upang di maaapektuhan ang suplay ng kuryente ng Meralco.
“In the meantime, we will do everything we can to make sure Meralco’s energy supply is not disrupted. Despite the present challenges, we will never withhold our available power capacity to the detriment of the country and the consumers,” wika ng kumpanya.
“However, given the circumstances, we will continue to explore other legal remedies to allow us to sustainably provide for the increasing power needs of our country while meeting our obligations to our various stakeholders.”
Tiniyak rin ng kumpanya patuloy nitong susuportahan ng pagbangon ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng mga power assets nila habang patuloy ang investments nito sa mas malinis na enerhiya o clean energy.
Matatatandaan na nagpahayag na ang SMC na hindi na itutuloy ang pagpapagawa na clean coal power plants na mag kapasidad na 1,500 MW.
Sinabi rin ng SMC na naitayo na 21 sa 31 na BESS o Battery Energy Supply Storage facilities na kabuuang kapasidad ng1,000 MW. Ang mga BESS na ito na siyang aagapay sa mga solar plants sa 10 lugar sa bansa.