SILVERIO-MARCELO WAGI SA ‘DOUBLES’ NG MEDIA 9-BALL CHAMPIONSHIP

Naibulsa nina Erick Silverio at Maverick Marcelo ang korona sa ‘Doubles Category’ sa ginanap na  2nd Centro News Invitational Media 9-ball Championship sa Goodshot Billiards and Cafe sa Borol1st, Balagtas, Bulacan noong Biyernes, Disyembre 6, 2024.
Media 9-ball Champ- Nasungkit nina Erick Silverio at Maverick Marcelo (gitna) ang kampeonato habang 1st runner-up naman sina Oliver Mauricio at Gina Lopez (kaliwa) habang 2nd runner-up sina Eloisa Silverio at Sam Nielsen (kanan) sa ginanap na Centro News 2nd Invitational Media 9-Ball Championship sa GoodShot Billiards and Cafe sa Borol 1st, Balagtas, Bulacan noong Disyembre 6, 2024.
Si Silverio ng Manila Times at Marcelo ng D-Hub Radio 98.3FM ay itinanghal na kampeon matapos gapiin sina Oliver Mauricio ng Metro News at Gina Borlongan ng D’ News Watcher sa Race to 3 battle sa score na 3-2.
Samantala, kapwa nasungkit nina Orlan Mauricio ng Manila Standard at Jun Borlongan ng Abante ang titulo sa kategoryang Class A at Class B.
Class A winners- Orlan Mauricio-Champion, Sam Nielsen-1st Runner-up and Oliver Mauricio-2nd Runner-up
Sa Class A category ay wagi bilang kampeon si Mauricio makaraang talunin si Sam Nielsen ng DZBB-GMA 7 sa score na 5-4 Race to 5 double knockout. Twice to beat para kay Mauricio matapos mangibabaw sa winners bracket.
Gayundin si Borlongan sa Class B category nang talunin si Allan Casipit ng UnliNews Online sa score na 5-4 Race to 5.
Class B winners: Jun Borlongan-Champion, Allan Casipit-1st Runner-up, Rannel Benedictos-2nd Runner-up
Kapwa naibulsa nina Mauricio at Borlongan ang tig-P10,000 premyo bilang kampeon at tig-P5,000 naman kay Nielsen at Casipit bilang 1st runner-up.
2nd runner-up naman sina Oliver Mauricio sa Class A, Rannel Benedictos ng GMA-7 sa Class B, habang sa Doubles category 2nd runner-up ay sina Eloisa Silverio ng Saksi Ngayon at Sam Nielsen ng DZBB.
Ang nasabing media billiard competition ay inorganisa ng Centro News Online at local print na naka-base sa Bulacan.
Nagpasalamat naman ang Centro News kay Governor Daniel Fernando na sumuporta sa nasabing kompetisyon gayundin sa mga lumahok na mamamahayag mula sa print, tv,at radio broadcast, online news sa matagumpay na tournament.